Rule #2 Threat

82.7K 2.7K 524
                                    

Sobrang busy po ako . Kaya natagalan :).

THIRD PERSON'S POV

"Kailan po tayo lulusob kamahalan?" Tanong ng kanang kamay ni Hades na si Zero.

"Hayaan muna natin sila Zero. Darating ang tamang panahon." Hades said. Madilim ang buong kaharian.

Ni liwanag ay hindi na atah tumatalab dahil sa kaitiman ng budhi ng mga Black demons. Nagkalat ang mga buto sa sahig.

"Kamusta na ang anak ko Zero?" Tanong ni Hades dito.

"Kasalukuyan siyang nag-aaral sa palasyo kasama ang iba pa. Napag-alaman ko rin pong umiibig ang iyong anak sa isang tao."

Kumunot ang noo ni Hades sa narinig. Si Jana ang gusto niyang maging reyna ng Underworld at mangyayari lang yun kung pakakasalan niya si Daemon.

At kung hindi man mangyari yun. Mas mabuti ng mamatay na silang lahat.

"Ikaw na ang bahala sa taong yun Zero. Hihintayin ko ang ulo niyang gugulong sa harapan ko." Hades smirked.

CRIMSON's POV

Literal na dumugo ang dila ko sa lakas ng pagkakakagat ko. Muntikan pa kong matumba sa pagkagulat.

"D*mn! Where's that boar!" I hissed. Ang baboy ramo nila dito ay kasing laki ng isang elepante pero ang bilis namang tumakbo nahihirapan na nga ang mata kong sundan ang mga ito.

Bumaba ako sa kabayo ko and hold my spear firmly. Pinakiramdaman ko ang paligid.

Naramdaman ko ang mabilis na pag-approach sakin ng isang bagay. Agad akong tumalon pataas. At hinagis yung spear sa wild boar.

Tumagos ito sa bungo niya at lumagapak sa sahig. Ilang mga kahoy pa ang nagkandabali-bali dahil naarado nito.

Kinuha ko yung tali sa bag ko sa may kabayo at tinalian sa paa yung wild boar.

Dahil sa training namin dito. Malaki na rin ang naidagdag sa lakas namin. Itong wild boar na kasing laki ng elepante ay kaya na naming hilahin.

Pero yung mga Demons kaya nilang buhatin kahit isang kamay lang.

"Tapos ka na rin pala?" Leif asked me habang tinatalian yung huli niya.

"Oo medyo mabilis eh. Sina Ash?" Tanong ko.

Napatingin kami ni Leif sa taas. Nakasakay sa Pegasus si Ash at gamit nito ay bow and arrow na nanghuhuli ng mga ibon.

Si Wave nasa dagat at nakasakay sa SeaHorse at nanghuhuli ng Sea Monsters. Parang Percy Jackson lang ang peg.

"Dadalhin natin yang mga yan mamaya sa kusina ng palasyo. Magkakaroon ng piging para sa kaarawan ng mahal na reyna." Gen. Aros said.

"Birthday ni Queen? Hindi mo man lang sinabi Daemon." Leif said pagkasakay nito sa kabayo niya.

Daemon grinned at us. "Nakalimutan ko rin eh." He chuckled.

Ilang saglit pa at bumaba na rin sina Ash. Kinuha na ng ibang kawal ang huli niya at ganun din sa huli ni Wave na isang giant squid.

"Buti na lang maaga tayong uuwi ngayon." Ash said. Nakasakay na kami sa kanya-kanya naming mga kabayo.

"Buti na lang talaga, hindi pa kasi kami okay ni Libra, ang harsh magtampo nun." Hunter commented habang nakasakay sa kabayo niya.

"Ahay buti na lang hindi ganun si Leila, mababaliw ako kapag nagkataon." Throne laughed.

"Isusumbong ko kayo." Biglang entrada ni Daisy, etoh kasi ang mahirap kapag kasama namin siya hindi kami makapag MEN's TALK.

MNMCR 2: DEMONIC RULETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon