One

128 3 0
                                    




"Hi ate Larrinna!" bati sa akin ni Jairus pagkalabas ko ng gate namin.

"Hi Jairus!" ganting bati ko na nakangiti pa sa kanya.

Si Jairus ay bunsong anak nina Tita Jenny at Tito Jay na mga kaibigan nina Mommy at Daddy. Katapat lang ng bahay namin ang bahay nila. Unlike sa akin na nag-iisang anak lang nina Daddy at Mommy, sila tatlo silang magkakapatid. Si Justine na 21 years old, si Jennica na 15 naman at siya ang bunso na 10 years old.

Sa kanilang tatlo si Jairus lang ang close ko. Bagama't hindi nagkakalayo ang edad namin ni Justine hindi kami lumaking malapit sa isa't isa. Na para bang sa magkaibang mundo kami lumaki.Kung gaano ka close ang mga magulang namin, ganun naman kami ka-ilag sa isa't isa. Bihira lang kami magpansinan, yun ay kung kaharap lang ang mga magulang namin.Hindi ko alam pero talagang hindi ko feel ang tipo ni Justine. Oo nga't gwapo siya pero hindi ko nakikita yun. Isa kasi siyang mayabang na babaero. Ganun siya kaya siguro hindi ako komportable sa presensya niya.

Si Jennica naman hindi ko din masyadong close dahil sa magkaiba kaming trip sa buhay. May pagka kikay kasi siya samantalang I'm a jeans and shirt kind of girl. Siya lahat ng kakikayan nasa kanya na.

"San po kayo pupunta?" tanong niya. Lumapit pa siya sa akin

"Sa mall. May bibilhin lang ako," sagot ko.

"Pwede po ba akong sumama?" tanong uit niya.

"Ok lang. Pero kelangan magpaalam ka muna kina Tita Jen para hindi ka nila hanapin," sagot ko sa kanya.

"Wala sina Mommy eh. Si kuya Justine lang ang nandiyan. May bisita pa siya." malungkot niyang sabi.

"Ah ok. Ganito na lang. Sa kanya ka na lang magpaalam  para hindi ka niya hanapin," nakangiti kong sabi.

"Sige po. Hintayin nyo ako jan ate ha, wait lang po magpapaalam lang po ako kay kuya," masaya niyang sabi. Tumakbo na siya papasok sa kanila.

Maya maya lumabas si Justine. Don't tell me hindi niya pinayagan si Jairus? Hay naku naman! Nakita kong papalabas siya ng gate nila. Tinawid niya ang daan at lumapit sa akin.

"Be sure na nasa bahay na si Jairus before seven," walang emosyong sabi niya at tumalikod na. Hindi man lang hinintay na makasagot ako! Bastos talaga!

Natanaw ko ng papalabas na ng gate si Jairus. Ginulo ng kuya niya ang buhok niya at tinapik siya sa balikat bilang pamamaalam siguro.

Nasa mall na kami at nag-ikot ikot para maghanap ng dress na isusuot sa party ng kaibigan ko. Naman kasi! Bakit may dress code pa! Sana pwede ng mag jeans and shirt na lang! Bakit ba kasi nauso ang dress!

Hayun! May nakita na akong simpleng dress. Isang color gray na sleeveless fitted dress. Closed neck kaya hindi makikita ang cleavage ko. Heto na. Pagod na ako kakaikot. At siguradong gutom na din itong batang kasama ko. Binayaran ko na sa cashier at saka niyaya ko ng magmeryenda si Jairus.

Sa isang pizza parlor kami pumunta since pizza at carbonara ang gusto daw niya for merienda. Nang matapos kami kumain niyaya ko na siyang umuwi it's already 6:30. Baka maging leon na yung kuya niya kapag inabot kami ng 7pm dito sa mall.

Sumakay na kami ng taxi at nagpahatid sa address namin. Pagkababa namin nakita ko naman palabas ng gate nila si Justine kasama ang bagong girlfriend niya. Nakalingkis pa sa braso niya. Lingkis pa more!

Nagpalam na ako kay Jairus at pumasok na sa gate namin. Habang sinasara ko ang gate  nakita kong naglaplapan pa sila bago pa pinasakay ng taxi si babae. Naku! Matanggal sana ang mga labi ninyo! Eew! Pumasok  na ako bago pa ako masuka ng tuluyan.

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon