Seven

34 1 0
                                    




LARRINNA

Hindi madali ang buhay may-asawa. Lalo na sa katulad kong hindi  naman ito napaghandaan. Bigla bigla na lang nangyari sa buhay ko ang ganito. At ang masaklap pa dun ni hindi ko naman gusto ang lalaking pinakasalan ko. Feeling ko tuloy napakasama ko nung past life ko kaya ganito ang buhay ko ngayon. Aisht!

"Manang ready na po ba ang almusal?" bungad kong tanong kay Manang Lusing, siya ang bago naming kasambahay. Yes sa wakas meron na kong kasama dito, ang hirap kayang mag asikaso ng asawang ewan! Asawang hanggang ngayon buhay binata pa din. Hindi ko naman siya masisisi. Alam kong katulad ko hindi pa siya ready sa buhay na ganito.

"Oh iha magandang umaga sa iyo. Maghahain na ako, maupo ka na diyan. Ang asawa mo gising na din ba?"  Tanong niya.

"Hay naku manang tulog pa po. Late na po kasing umuwi kagabi, mukhang may lakad sila ng barkada niya. Amoy chiko po kasi eh," sagot ko.

"Ah ganun ba? O sige mag-almusal ka na at nang hindi ka mahuli sa klase mo." Sabi niya habang naglalagay ng asukal sa tinitimpla niyang kape ko.

"Eh manang sabayan niyo na po ako. Mahirap kumain ng nag-iisa, nakakawalang gana po," nakangiti kong yaya sa kanya.

"O siya sige. Tama ka nga walang ganang kumain kapag mag-isa lang. Lalo na kapag nasanay kang merong kasabay ano? O etong kape mo, tikman mo nga kung ok na sa iyo ang lasa niyan. Alam mo namang hindi ko pa nakukuha ang timplang gusto mo dahil sa kakaumpisa ko pa lang dito sa inyo," inilapag niya sa harap ko ang tasa ng kape. Tinikman ko at napangiti ako sabay thumbs up sa kanya.

"Naku manang kuhang kuha niyo po!" masaya kong sabi. "Kain na po tayo!"

Si Manang Lusing ay malayong kamag-anak ni Nana Soleng. Iisa ang bayang pinanggalingan nila. Sa tantiya ko nasa early 40's  na siya. Maaliwalas ang  aura niya kaya naman unang tingin ko pa lang sa kanya ay magaan na ang loob ko. Isa siyang biyuda at may dalawang anak na lalaki. Nasa kolehiyo na daw parehas. Bilib ako kay Manang dahil talagang tinataguyod niya ang pag-aaral ng mga anak niya.

"Musta naman po ang mga anak niyo manang? Sino po ang kasama nila ngayong nagtatrabaho na po kayo dito sa amin?" Usisa ko sa kanya habang kumakain kami.

"Malalaki na ang mga anak ko iha, mga damulag na. Parehas na ngang nasa kolehiyo at dito din sila sa siyudad nag-aaral," feeling proud niyang kwento. Bahagya pa siyang napangiti habang nagsasalita. "Nag bo-boarding house sila. Kaya naman ginusto ko ding dito na magtrabaho para at least malapit lang ako sa kanila," patuloy niyang kwento.

"Ah kaya naman po pala mabilis kayong napapayag ni Nana Soleng," sagot ko naman.

"Aba'y nagpapasalamat nga ako diyan kay Ate Soleng dahil ako ang una niyang naisip na irekomenda sa inyo. Sabagay alam niyang kelangan ko talaga ito dahil nga sa dalawa kong anak,para may pantustos ako sa kanilang pag-aaral," sabi niya.

"Anu pong course ng mga anak ninyo?" Tanong ko.

"Ah yung panganay ko Marine transportation, nasa second year na siya, yung bunso ko naman accountancy ang kinuha, first year naman siya," nakangiti niyang sabi. Ramdam ko sa boses ni manang ang pagiging proud sa kanyang mga anak.

"Matanda po pala ako sa mga anak ninyo ano?"

"Ilang taon ka na ba iha?"

"Mag 20 na po ako, at fourth year na po ako,"

"Kasing edad mo lang ang panganay ko iha. Nahinto kasi ng dalawang taon yun eh. Alam mo naman ang buhay sa probinsiya, dahil sa kahirapan kaya ganoon. Ngayon nga ay may part time siyang trabaho para daw kahit papaano eh hindi ako mahirapan. Iyong bunso ko nga gusto na din gumaya sa kuya kaso ayaw payagan dahil nga bata pa yun, 16 lang iyon eh. Sabi ng kuya mag focus na lang sa pag-aaral ng hindi bumagsak at hindi mawalan ng scholarship. Napakalaking tulong pa mandin ng scholarship niya. Aba'y kung mawawala yun mahihirapan kami," Mahabang kwento niya.

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon