LARRINNA"Hoy babaita may isusuot ka na ba sa graduation natin?" tanong ng baklang si Sebby."May binili kasi si Mudra ang kaso hindi ko bet ang kulay kakasura!" Nakangiwing sabi niya.
"Hindi pa ako nakakabili," maikli kong sagot.
"Ay ang taray! Mukhang wala sa mood? Anong drama mo ha?" Nakataas pa ang kilay niyang tanong. "Ay teka nga asan na ba yung Conradong maton na yan? Mukhang missing in action na naman!" Nagpalinga-linga pa siya.
"Wag mo ng hanapin. Nasa canteen. Inutusan kong bumili ng meryenda," walang ganang sagot ko. Tsaka ako sumubsob sa sementadong mesang kinaroroonan namin. Dito kami sa campus katatapos lang ng practice namin para sa graduation na gaganapin the day after tomorrow.
"Me problema ka ba babaita? Ang tamlay mo ha! Kanina ko pa napapansin yan," usisa niya.
Napaangat ako ng mukha at tumingin sa kanya. "Ala noh! Ano naman poproblemahin ko?" Kunot noo kong sagot.
"Aba malay ko! Baka lang naman hindi mo sinasabi sa amin at kinikimkim mo lang!" Maarte niyang sabi.
"Magtigil ka nga bakla. Wala akong problema. Inaantok lang ako kaya ganito ako katamlay," walang gana kong sabi.
"Matamlay? Walang gana? Inaantok? Nahihilo ka ba? Naku babaita tara na sa clinic! Baka juntis ka na!" Eksaherada niyang sabi. Napatayo pa siya at hinila ako patayo.
"Exagge ka namang bakla ka! Bitiwan mo nga ako!" Piksi ko sa kanya.
"O anong nangyayari sa inyong dalawa?" Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Conrad na bitbit ang meryendang pinabili ko sa kanya.
"Hay naku! Itong eksaheradang baklang ito kung anu ano ang pinagsasasabi!" Tinuro ko pa ang nakataas kilay na si Sebby.
"Bakit?" Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Sebby.
"Ay naku Conradong Maton eto kasing tropa mo mukhang lantang gulay. Walang gana, inaantok, matamlay! Sabi ko punta kami ng clinic baka naman juntis na! Exaggerated na ba yun? Eh anong masama sa sinabi ko? Eh may asawa ka namang tao? Pagtatakhan pa ba yun?!? Duh!?" Pumipilantik pa ang mga daliri niyang eksplenasyon.
"O may point naman tong si Sebby-ng bakla. Baka nga naman Rinnang babaita? Samahan ka namin kung gusto mo?" Seryosong sabi ni Conrad. Wag po kayong magtaka kung ganyan ang mga tawagan namin. Sadyang ganyan lang talaga kami maglambingan. Endearment po namin yan. Hehehe.
"Shut up you two! Hindi ako buntis! Pwede ba tantanan ninyo ako," nakaingos kong sabi.
"Hala siya oh! Concern lang naman ang maton at bakla sa iyo!" Mataray pang sagot ni Sebby.
"Oo na alam kong concern kayo. Pero hindi talaga ako buntis!" Pagdidiin ko.
"Don't tell me zero ang sex life mo babaita? Kaya todo tanggi kang magpa clinic? Hahaha! Naku ha, ikaw ang me asawa sa ating tatlo pero ikaw ang bokya sa sex! Daig ka pa nitong si maton na gabi-gabi may ikinakama!" Tumatawang sabi niya.
"Sira-ulo ka bakla! Ako na naman ang nakita mo," sabi ni Conrad habang inaabot sa amin ang burger at fries na binili niya.
"Pwede ba bunganga mo nga bakla! Magmumog ka nga ng muriatic ng malinisan yan! Masyado kang mahalay," sabay kagat ko sa burger na hawak ko.
"Tse! Pavirgin ka pang babaita ka. Nasan na yung drinks maton? Nauuhaw ako!" Baling nito kay Conrad at nang iniabot sa kanya ay agad niyang ininom.
"Di nga babaita? Bokya ang sex life mo?" Ungkat ulit niya pagkatapos uminom.
"Sebby!" Saway ni Conrad.
"Duh?! Curious lang ang bakla! Masama bang magtanong?!" Ingos pa niya kay Conrad. "Sige na babaita sagutin mo na tanong ko," tumataas taas pa ang kilay niya habang nakatingin sa mata ko.

BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...