JUSTINE"Miss Fiona can you please clear my schedule right after my client meeting at 10am? I-move mo na lang lahat sa Monday. Thanks." sabi ko sa secretary ko habang abala pa din sa pagpirma ng mga documents na kailangang tapusin ngayong araw na ito.
"Ah Sir kasi..." Hindi na niya itinuloy ang sasabihin niya ng mag-angat ako ng tingin sa kanya.
"What?Kung may magtatanong just tell them na may importante akong dapat gawin," putol ko sa sasabihin niya.
"O-okay po sir," sabi niyang tumatango pa. Graduation ngayon ni Rinna. Gusto kong gumawa ng surprise for her. Kinausap ko na din sina Mommy about this. And as expected siya ang pinakamasaya sa pagbalita ko. Surprise pa lang yan ha eh paano pa kaya kung sabihin kong may espesyal pagtingin na ako sa babae? Baka magtatatalon na sila sa tuwa ni Mommy Shey.
Yep you heard it right. May pagtingin na nga ako kay Larrinna. Paano nga ba nag-umpisa ang pagbabago ng pagtingin ko sa kanya? Hindi ko din alam kung kelan. Basta nagising na lang ako isang umaga na nakatitig sa kanya at doon ko din narealize na espesyal na siya sa akin. Hindi pa naman ganoon kalalim pero alam kong meron na siyang puwang sa puso ko. I am not denying it nor planning to suppress it. Pero kung magtatapat ako sa kanya agad? Hindi muna siguro. Gusto ko munang siguruhin itong nararamdaman ko. Bago ito sa akin eh. It's my first time to feel this kind of feelings towards a girl. And I don't wanna rush things between us. Sa ngayon gusto ko munang siguruhin ang lahat. Ayokong madaliin. Ayokong bandang huli may masaktan sa aming dalawa. Alam kong malabong mahalin niya ako. Malayo kasi ako sa ideal man niya.
Graduation niya. I planned something that will surely surprise her. Muntikan man akong pumalpak nakabawi naman ako sa huli. At alam kong nagustuhan niya ang mga ginawa ko. Masaya akong napasaya ko siya. And that's all that matters. Ang akala niya ang pag set-up sa bahay nina mommy lang ang sorpresa ko sa kanya, hindi niya alam mas masusurprise siya sa bahay, sa mismong kwarto namin. Actually idea ni Jennica iyon,nag research daw siya sa internet. At silang dalawa ni Jairus ang kasama kong nag-ayos. At ang regalo kong malaking portrait niya na sinabit ko sa wall sa bandang taas ng headboard ng kama ay pinagawa ko about a week ago. Nagkalkal pa ako sa lumang photo album nya at nang makita ko yun hindi ko maiwasang mamesmerize sa napakagandang shot na iyon. At nang matapos at ipinakita ko iyon sa mga byenan ko ay natuwa si Daddy Lawrence,siya daw ang kumuha nun at iyon ang pinakapaborito niyang picture ni Larrinna.
Naging masaya kami ng gabing iyon haggang sa kinabukasan. Naging maayos ang buong maghapon ng Sabadong iyon. Masaya ako. Ramdam kong umaapaw ang kaligayahan sa puso ko. Dun ko naramdaman ang sayang magkaroon ng sariling pamilya. Magkaroon ng asawang pag-aalayan mo ng buong atensyon mo at walang iisiping iba kundi siya lang.
At pagdating ng hapon, iyon na yata ang pinakamasaya at pinakamasarap na nangyari sa buhay ko. Hindi ko makakalimutan how she responded in every kiss I made just for her. For every touch, for every kiss, sa bawat malalalim na paghinga, sa bawat impit na ungol, and even for every drop of sweat we've shared, lahat yun nakatatak sa puso ko. Ito ang unang-unang pagkakataon na sambahin ko ang katawan niya ng may kalakip na pagmamahal.
"What are you wearing?" yan agad ang tanong ko pagkalabas niya ng banyo. Nakabihis siya at mukhang may lakad. Hindi nga ako nagkamali, sinabi niyang may celebration sila ng kayang mga kaibigan. Gusto kong sumama. Gusto ko siyang bantayan. Alam kong pangit pakinggan pero wala akong tiwala sa kaibigan niyang si Conrad. Nagseselos ako sa lalaking iyon. Alam ko kaibigan lang siya, pero masisisi niyo ba ako kung makaramdam ako ng selos? Natural lang naman siguro 'to di'ba? Naalarma ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Gustong gusto kong magwala kapag nakikita kong nagdidikit ang mga balat nila o kahit ang mga braso lang nila!
Pero malas ata ako dahil hindi siya pumayag na sumama ako sa kanila. Hinatid ko siya hanggang sa bar kung saan sila magkikita-kitang tatlo. Dahil sa isiping makakasama niya si Conrad sa loob ng bar na iyon nang wala ako,hindi ko napigilan ang sarili kong bigyan siya ng mariing halik sa labi. Madiin pero may pag-iingat at paglalambing. Gusto kong iparamdam sa kanya sa pamamagitan ng halik na iyon na nandito ako, at sa akin lang dapat siya. Wala na akong pakialam kung nasa publikong lugar kami o nakakasagabal na kami sa mga dadaang mga tao. Iniisip ko nga na hilahin na lang siya pabalik sa kotse at iuwi na lang ulit siya sa bahay at doon na lang kami magkukulong sa kwarto. Pero alam kung hindi pwede, at alam kung posible niyang ikagalit iyon. Isang tikhim ang nagpatigil sa paghalik ko sa kanya gustuhin ko mang magprotesta ay hindi ko nagawa dahil sa laki ng katawan ng bouncer na nasa likod namin. Si Larrinna naman ay namumula din ang mga pisnging napabitiw sa akin at dali daling pumasok sa loob ng bar.
BINABASA MO ANG
Cheating Heart
Aktuelle LiteraturFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...