JUSTINELasing na lasing siya ng lapitan ko. Samantalang ang dalawang kaibigan niya ay mukhang hindi naman tinamaan. Akmang bubuhatin ko na siya ng pigilan ako ni Conrad. Pangatlo na ito sa mga pumipigil sa akin ngayong gabi ha! Ano ba talagang meron at lagi akong pinipigilan? Humarap ako sa kanya at binigyan siya ng nakamamatay ng tingin pagkatapos kong sulyapan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"Ano? Pipigilan mo akong iuwi ang asawa ko? Hindi ako naghintay ng pagkatagal-tagal para lang ipaubaya siya sa iyo," naiinis kong sabi sa kanya.
"Alam kong hindi ka marunong magmahal pero siguro naman marunong kang rumespeto. Yun lang ang hihilingin kong ibigay mo sa kaibigan ko. Kung hindi mo kayang ibigay mas mabuti pang putulin mo na ang ugnayan ninyo." Malayo sa tanong kong sagot niya. Napakaseryoso at diretso.
"Wala kang alam sa nararamdaman ko dude. So you better back off." ganting sabi ko. Mas seryoso at may diin.
"Nararamdaman? Eh ikaw may alam ka ba sa nararamdaman ng kaibigan ko? Umayos ka. Umakto ka ng tama. Hindi ka na binata. Konting respeto naman sa asawa mo. Wag mo akong bibigyan ng dahilan para kunin at ilayo siya sa iyo, dahil pag nagkataon uuwi kang walang asawang naghihintay sa iyo," igting ang pangang sabi niya.
"At sino ka sa akala mo? Hindi ko kailangan ang kahit na anong salita galing sayo. Ikaw na ang nagsabi, asawa ako kaibigan ka lang. Ano man ang sabihin mo higit na mas may karapatan ako sa kanya. At isa pa hindi kailanman mangyayari ang sinasabi mo dahil hinding hindi kita bibigyan ng pagkakataong kunin at ilayo siya sa akin," matalim kong sagot. Nagsukatan kami ng tingin. Kung titingnan akala mo anumang oras ay magkakasapakan na kami. Ngumisi siya. Ngising nakakaloko.
"Hindi mo alam ang kaya kong gawin Zamora. Sa ngalan ng mga kaibigan ko lahat kaya kong gawin. Huwag mo akong subukan. Isang-isa ka na lang. Dahil kapag naulit ang pagkakataong ito sinisiguro ko sa iyong uuwi kang luhaan. Oo tama ka, asawa ka at kaibigan lang ako. Pero sa ating dalawa mas malalim ang samahan namin. Wala akong pakialam sa karapatang sinasabi mo, dahil mas may pakialam ako kung nasasaktan na ang kaibigan ko." Madiin ang bawat katagang binitiwan niya.
"Wag kang mag-settle sa kung ano lang ang nakikita ng mata mo Navarro. Try to dig deeper. Huwag mo akong husgahan sa kung anong nakita mo kanina." mariin ko ding sabi.
"Sino ang nanghuhusga kanino? Ikaw na mismo ang nagpakita ng pagkatao mo sa amin, hindi ka namin hinusgahan." malamang sabi niya.
Bago pa tuluyang maubos ang pasensiya ko ay binuhat ko na si Larrinna na nakatulog na sa kalasingan sa backseat ng kotse ng ungas na ito. Sumunod naman si Sebby sa akin upang buksan ang passenger's seat ng kotse ko. At nang maisaayos ko na si Rinna ay nagpaalam at nagpasalamat ako sa kanya. Siniguro ko munang komportable ang pagkakahiga niya bago ko pinaharurot ang sasakyan ko paalis ng lugar na iyon.
Habang nagmamaneho ay umaalingawngaw sa isipan ko ang mga salitang binitawan ng lalaking iyon. Alam kong malalim ang pagkakaibigan nilang tatlo. Pero hindi ko akalain na ganun niya ituring si Rinna. Hindi kaya may gusto siya sa asawa ko? Mahal kaya niya si Larrinna? Oh shit! Hindi dapat ako pakampante. Paano kung mahal din pala ni Larrinna si Conrad? Hindi maari! Napasulyap ako sa katabi kong mahimbing na natutulog.
"I'm sorry Rinna. I promise you hindi na ito mauulit pa. Bukas na bukas din aayusin ko ang lahat. Lalo na ang tungkol kay Steph.," mahina kong sabi habang patuloy na nagmamaneho. Inabot ko ang kamay niya at inilagay sa mga labi ko. Tulog siya kaya malaya kong nagagawa ito. Hindi ko iyon binitiwan hanggang sa makarating kami ng bahay.
Maaga akong nagising kinabukasan. Tulog na tulog pa siya. Hindi ko na nagawang palitan ang damit na suot niya kagabi sa dahilang baka magising siya at pag-isipan pa niya akong sinasamantala ko ang kalasingan niya tulad ng nangyari sa amin noon. Bumaba ako at nagtungo agad sa kitchen upang magluto. Naisipan kong ipagluto siya ng chicken soup para sa hang over niya. Paniguradong masakit ang ulo niya pagkagising mamaya. Habang hinahanda ko ang niluto kong soup ay siya namang tunog ng phone ko.

BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...