Three

41 1 0
                                    





JUSTINE

"What? Anong kalokohan ito Daddy?" nag-uumpisa na akong mainis! Bakit kelangan pangunahan ako? At kalayaan ko pa ang nakasalalay? Hindi ako papayag kahit na anong mangyari!

"Just listen up man!" giit ni Daddy.

"No Dad! Ako na ang pinag-uusapan dito. It's my personal life! God Dad! wag ninyong ipilit sa akin yan, ayoko!" mariin kong tanggi sa gusto nilang mangyari.

"Larrinna is a good woman. She's one fine lady. Try to open up your eyes and heart for her," sabi ni Mommy.

"It's still a NO- NO 'Ma, over my dead body! Bakit ba ipinipilit niyong pinagkakasundo kami? Sa tingin niyo ba titino na ako pag pinakasal niyo kami? Hindi niyo ba naisip na baka mas lalo akong maging gago kapag pilit niyo akong ipakasal sa kanya?" inis kong sabi sa kanya.

"Anong gusto mo? Pabayaan ka namin sa mga kalokohan mo? Linggo linggo iba iba ang babae? Baka mamaya magising ka na lang na napikot ka na pala ng kung sinong babae diyan! Eh kung si Larrinna ang mapapangasawa mo, siguradong matinong babae siya! At kilala na natin!" matigas na sabi ni Mama.

"Bata pa ako Mom at isa pa kung magpapakasal ako siguradong hindi kay Larrinna yun! Dahil hindi ko siya mahal at hindi niya ako mahal, marriage is sacred! It's for the two people who are inlove with each other. And unfortunately hindi kami yun ni Larrinna! Kaya please spare us Mom, Dad! Hindi mangyayari ang gusto ninyo," mahaba kong sabi sa kanila

Tumayo na ako sa pagkakaupo ko. "This is nonsense Ma. Ayoko ng pag-usapan 'to. Hindi ako makakapayag," final ko ng sabi at umakyat na ako sa kwarto ko.

Damn! Hindi ko maimagine ang sarili kong kasama sa iisang bahay ang babaeng yun! And worst maging asawa pa! Naturingang magkapitbahay kami at matalik na magkaibigan ang mga magulang namin pero hindi kami close! Ni halos hindi nga kami nag-uusap o nagpapansinan man lang yan! Maging asawa pa kaya! Hello?! Anong magiging buhay namin?

Magalit na kung magalit sina Daddy at Mommy sa akin, kahit pa itakwil pa nila ako hindi ako papayag! Ayaw ko pang matali. Nag-eenjoy pa ako sa buhay ko.

LARRINNA

"No Dad! It's a big NO!" madiin kong tanggi sa gusto nilang mangyari. "AYOKO  po! Period walang kasunod!" naiirita kong sabi.

"Rinna baby, Justine is a good man. Bagay kayo," paglalambing ni Mommy.

"Ano bang pumasok sa kukote ninyo 'My? Dad? Bata pa ako para mag-asawa! Nag-aaral pa nga ako diba?" konti na lang sasabog na ako sa inis.

"You're 20 next month and in 3 months gagraduate ka na. So pwede na. Hindi ka na minor." pilit pa din ni Mommy.

"Mommy naman! Dad ano ba ito?" baling ko kay Daddy para humingi ng tulong. Sana pigilan niya si Mommy sa mga kalokohan niya.

"Nagkausap na kami ng Tito Jay mo about that. Nagkasundo na kami." Sabi ni Daddy sa seryosong tono. Napakamot ako ng noo sa narinig ko. Ganun? Nakakainis na talaga!

Bumuntong hininga muna ako para pigilan pa ang galit na unti-unti kong nararamdaman. "Ok. Give me one valid reason then. Just one valid reason para sundin ko ang gusto ninyo," nawawalan na ako ng pag-asa. Hirap kausap ng matanda! Ang kukulit!

"Anak, gusto lang namin na mapabuti ka. At least pag si Justine ang mapapangasawa mo kilala na namin at siguradong magkakaapo kami. Ayaw lang namin na isang araw mag-uuwi ka ng babae dito! Anak ang babae ay para sa lalaki hindi sa kapwa babae!" Shocked was written all over my face! And I felt my cheeks went red! Lalo akong nabwiset sa narinig ko! Yun ang rason nila?!?

"Mommy! Yun ang rason nyo kung bakit ipinagpipilitan ninyo akong ipakasal sa hinayupak na yun??? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na BABAE AKO! Hindi man ako nagkakaboyfriend pa, I ASSURE YOU DAD, 'MY LALAKI PA DIN ANG GUSTO KO AT HINDI BABAE! Siguro hindi pa lang ito ang time para mag boyfriend! At hindi pa ako nakakakita ng lalaking mamahalin ko! At sinisigurado ko sa inyo na kapag nakilala ko na, siya na rin ang una't huling lalaki sa buhay ko! And one more thing Dad, 'My hindi porke't i dressed up like this tibo na ako. I just don't feel like wearing dresses and pumps and accessories and all. I dressed not to impress." Yun lang at tumalikod na ako.

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon