LARRINNANagising ako kinabukasan na parang binibiyak ang ulo ko. Minulat ko ang mata ko pero dahil sa tindi ng liwanag ay napapikit ulit ako. Sinubukan kong imulat ang isang mata ko at kinapa ang cellphone sa ilalim ng unan ko pero wala dun.
"Agghh! San ba na ba yun?" Bulong ko na panay pa din ang kapa. Pero talagang wala.at dahil oras lang naman ang gusto kong tingnan kinapa ko na lang ang alarm clock na nasa bedside table. Pero hindi ko sinasadyang may matabig at bumagsak sa sahig na naging sanhi ng malakas na tunog. Tunog ng nabasag na babasaging bagay. Napatayo ako bigla at dahil dun ay lalong kumirot ng ulo ko sa may bahaging sintido.
"Agh! Sakit!" napasapo ako sa ulo ko. Dahil sa biglang kirot. "Shit ayoko ng uminom ng alak!"
Biglang bukas ng pinto at nakita ko si Manang Lusing na mukhang nag-aalala.
"Rinna anong nangyari iha?" humihingal na sabi niya.
"Natabig ko po iyon," sabi ko na nakaturo sa mga bumagsak. Doon ko lang nakita na bowl na may lamang soup pala iyon. Nakakalat na at basag na din ang baso na nasa sahig.
Dali dali akong tumayo pero dahil sa wala pa ako sa tamang huwisyo ay napatapak ako sa bubog ng baso.
"Ouch!" napasigaw ako sa hapding naramdaman ko sa talampakan ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa dugong nakita ko. Si Manang naman ay napatakbo sa tabi ko at inalalayan paupo ulit sa kama
"Dyaskeng bata ka! Bakit bigla kang tumayo at diyan pa sa may mga bubog!" natatarantang sabi niya. "Diyan ka lang at kukunin ko ang first aid kit sa banyo!" dagdag pa niya.
Napangiwi ako sa hapding hatid ng sugat sa talampakan ko at kirot ng sintido ko. Napahiga ako ulit at napapikit. Tiniis ko ang sakit hanggang sa maramdaman ko ang dampi ng bulak. Hinayaan ko si Manang na gamutin ang sugat ko. Kahit mahapdi at makirot ay kagat labi ko itong tiniis.
"Buti na lang hindi bumaon ang bubog. Sa susunod mag-iingat ka," dinig kong sabi niya. "Ano bang nangyari at nabasag ang mga yan? Sayang naman ang mga pagkain. Niluto pa ni Justine yan bago umalis,"
"Kinakapa ko po kasi yung alarm clock para tingnan ang oras. Hindi ko po alam na me pagkain diyan. Pasensiya na po kayo at pinag-alala ko kayo."
"Hay akala ko nga ikaw yung bumagsak eh kaya napatakbo ako ng di oras. Alas diez na kung yun ang gusto mong malaman," patuloy pa din sa pagbebenda ng sugat ko si Manang.
"Tanghali na po pala,"
"Oo. Hindi na kita ginising kasi alam kong puyat ka. Lasing na lasing ka pa kagabi. Buti na lang kasama mo ang asawa mo ng umuwi ka. Kaya lang maaga siyang umalis kanina, nagmamadali pa. Pero pinagluto ka muna niya," sabi niya.
"Maaga ho siyang umalis? Linggo po ngayon ah. Baka po nagsimba?" tanong ko.
"Hindi nagsimba yun. Naka cargo shorts lang eh. Sabi niya babalik siya agad pero hanggang ngayon naman wala pa din." Sabi niya habang sinisipat- sipat niya ang pagkakalagay niya ng benda sa paa ko. "O hayan ok na ang benda. Wag mo munang babasain yan para hindi mamaga. Kung maliligo ka balutin mo muna ng plastic.," bilin pa niya. "diyan ka muna at kukuha ako ng panlinis dito sa mga kalat," paalam niya.
Tumango ako saka nagbilin na akyatan na lang ulit ako ng soup at gamot para sa sakit ng ulo ko.
Nang matapos ni Manang na linisin ang kalat ay natapos ko na din kainin ang soup. Dahil sa hindi magandang pakiramdam ay sinabi kong magpapahinga na lang ako at wag ng katukin para sa lunch. At nang nakalabas si Manang ay saka ko sinariwa ang nangyari kagabi. Kung bakit umabot sa grabeng pagkalasing ko. Hindi ko maiwasan ang pamumuo ng luha sa mga mata ko na kalaunan ay malaya ng dumaloy sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...