Nineteen

31 1 0
                                    




LARRINNA

Mahal kasi kita Rinna eh. Mahal na kita. Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Nangunot ang noo ko habang nakatingala sa kanya. Muntikan pa akong mapabangon dahil sa sinabi niya. Nakatitig lang siya sa akin pagkasabi nun. Napailing ako. Hindi kasi ako makapaniwala, alam kong hindi siya ang tipong nagseseryoso. Kaya hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Naghihintay ako ng kasunod na sabihin niyang 'joke!' pero ilang minuto na ang nakalipas at mahabang katahimikan na ang dumaan sa amin pero nanatiling seryosong nakatitig siya sa akin. Hanggang sa naramdaman kong nangawit na ang leeg ko sa kakatingala sa kanya.

"Hindi ka ba naniniwala?" dismayadong tanong niya. Bumangon ako at umupo sa kama paharap sa kanya. Umiling ako. Hindi ko na alam kung pang ilang iling ko na ito. Basta ang alam ko lang hindi ako makapagsalita, parang umurong ang dila ko kanina pa pagkakita ko sa kanya. Nakita kong napabuntong hininga siya at saka tumayo.

"Halika ka na. Let's have our lunch Manang is waiting downstairs." inilahad pa niya ang kanang kamay niya sa akin. Iniabot ko naman tsaka ako tumayo sa ibabaw ng kama. Napasinghap ako ng bigla niya akong kinarga ala bridal style. Lokong lalaking ito ah.

"Ibaba mo na lang ako. Kaya kong maglakad," naiilang kong sabi.

"Alam ko. Pero mas gusto ko ang ganito," tipid niyang sagot. Hindi na lang ako nagsalita pero tinakpan ko na lang ang mukha ko ng dalawang kamay ko hanggang sa makarating kami sa kitchen kung saan nandun si Manang na naghihintay sa amin. Pagkababa niya sa akin ay napasulyap ako kay Manang na nakatayo sa may gilid ng mesa, may nanunuksong mga ngiti. Nahihiya akong napayuko na lang.

"Musta na ang sugat mo iha? Makirot pa ba?" dinig kong sabi ni Manang na nakaupo sa harapan ko. Patuloy ang  pagkain  namin. Ramdam ko naman ang paninitig ni Justine na nasa tabi ko lang.

"Hindi na po makirot. Katunayan po nailalakad ko naman na."

"Just be careful next time, I mean all the time," sabat ng katabi ko.

"I will," matipid kong sagot.

Nang matapos kumain ay nagyaya siya na pumunta kina Mommy. Nagpaunlak naman ako kaya naman dali daling naligo saka nagbihis ako. Una kaming pumunta sa Mommy ko, kaya naman agad niyang tinawagan si Mommy Jen at hindi nagtagal ay dumating naman ito.

"Ay ang daya! Bakit ako hindi ninyo dinadalaw?" bungad ni Mommy  Jen. Nasa may pintuan pa lang dinig na namin ang boses niya, nasa kitchen kasi kami. Sinalubong naman ni Justine ang Mommy niya.

"Kadarating lang po namin. At balak din po namin pumunta sa inyo pagkatapos dito." Dinig kong sabi niya. Nakita kong niyakap at hinalikan niya ito sa pisngi bilang pagbati.

"Tse!" Irap naman nito sa anak pero halatang nagbibiro lang naman. Napangiti ako sa kanya ng mapatingin sa akin ang byenan ko. Iika ika akong pumunta sa kanya at nagbeso.

"O napaano ka iha? Nasobrahan ata kayo?" nakangising sabi niya na ikinapula ko naman. Nagets ko kung anong ibig sabihin niya!

"Mom!" saway ni Justine sa ina.

"Naku mabuti nga yun at nang magkaapo na kami!" Pangagagatong naman ng nanay ko. Pinanlakihan ko naman siya ng mata para sawayin. Eto na pinagtutulungan na kami!

"May sugat po ang talampakan ko kaya ganito ako maglakad," sagot ko sa kanila.

"Bakit napaano? Anong ginawa mo Justine!?" Himig namimintang na sabi ni Mommy Jen.

"Ako agad? Hindi ba pwedeng nagka-minor accident siya kaya ganyan Mom?" Depensa agan naman niya.

"Napaapak po ako sa bubog," tipid kong sabi sa kanila.

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon