LARRINNAMaaga pa din akong nagising kinabukasan kahit walang pasok. Si Justine naman ay tulog pa din. It's Saturday so wala din siyang pasok sa office. Bumangon ako para matulungan si Manang Lusing sa kusina. Pero ng makita kong tapos na siyang magluto ng breakfast ay naisipan ko na lang na mag jogging.
Bumalik ako sa kwarto para magbihis. 6:30 pa lang naman at kakasikat pa lang ng araw. Tulog na tulog pa din siya. Nakatagilid habang nakayakap sa isang unan. Napangiti ako sa itsura niya. Para pala siyang beybi kung matulog. Natigilan ako sa naisip ko. Ngayon ko lang pala napapansin ang mga ganitong bagay sa kanya.
Palabas na ako ng kwarto ng kumilos siya at biglang nag-inat. Gising na siya. Napasulyap siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Are you going to jog?"
"Yep,"
"Pwede bang sumama?"
"Hmm. Pwede. Yun ay kung babangon ka na diyan bago pa tayo tanghaliin. Mamaya tirik na ang araw. Mainit na," nakangiti kong sabi.
"Okay! Give me 10mins!" Nagmadali siyang bumangon at ako naman ay lumabas na ng kwarto namin.
Sa sala na lang ako naghintay.
"O kala ko ba magjo-jogging ka iha?" puna ni Manang na madatnan niya akong nakaupo sa sofa.
"Opo. Sasama daw po kasi Justine kaya hinihintay ko po," sagot ko naman. Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuksong ngiti ni Manang. Hayan na naman si Manang. Napailing na lang ako. Pero hindi ko din naitago ang ngiti ko sa kanya.
"Masaya ako iha sa nangyayari sa inyong mag-asawa. Mas nagiging magaan na ang pagsasama ninyo," nakangiti pang sabi niya.
"Manang talaga..." sabi ko na lang.
Nang marinig ko na ang mga yabag pababa ng hagdan ay tumayo na ako. Nakasuot siyang gray na jogging pants at muscle shirt na puti. Na sinamahan ng puti ding running shoes. Napakasimpleng suot pero ang lakas pa din ng dating. Samantalang ako naka black na cycling shorts at malaking t-shirt na black din with matching white running shoes. Mukha akong magzu-zumba.
Nagpatiuna na ako. Siya naman ay tahimik na sumunod pagkatapos magpaalam kay Manang. Medyo mataas na ang araw pero hindi pa naman mainit sa balat ang sikat nito. Pagtingin ko sa oras 6:49 na pala. May mga nasasalubong din kaming mga nagjo-jogging. Palibhasa Sabado maraming walang pasok sa opisina at school kaya medyo madami ang tumatakbo.
"Hindi ka naman sasali sa track and field nih?" dinig kong sabi niya. Napalingon ako at nagtatakang tumingin sa kanya.
"Sobrang bilis kasi ng takbo mo. Parang may balak ka pa atang i-beat ang record ni Lydia de Vega." nakangising sabi niya.
Napabilis ba ang takbo ko? Parang hindi naman. Pinagloloko ata ako ng lalaking ito. Napasimangot ako.
"Joke!" biglang bawi niya. Nakakatawa ba? Kasi hindi ako natawa sa joke niya. Hindi na ako nagsalita at pinagpatuloy na lang ang pagtakbo. Ngayon alam ko na, gwapo lang siya pero wala siyang sense of humor. Sucks!
"Seryoso ka naman masyado," sinabayan na niya ako. Kung kanina ay nasa likod ko lang siya ngayon pumantay na siya sa akin.
"Nagjo-jogging ako eh." kaswal kong sabi na hindi siya nilingon.
"Pwede namang magsalita o makipag kwentuhan habang tumatakbo para malibang," sabi niya.
"Mas nakakapagod ang ganun. Hihingalin ako agad kapag nagsasalita habang tumatakbo," sabi ko pero patuloy pa din sa marahang pagtakbo. Hindi na siya nagsalita pagkatapos nun.
BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...