Thanks to you miss @ellena1012 for always voting ;) muahugs! This one's for you, sana magustuhan mo ulit....
LARRINNA
Matagal na akong nakatayo sa harapan nila pero ni isa ay walang gustong kumilos. Pasara na ulit ang elevator ay nasa loob pa din sila. Pero maagap na naiharang ng babae ang kamay niya upang hindi ito tuluyang magsara.
"Let's go Just. Natulala ka na diyan," ang dinig kong sabi niya saka hinila ang asawa ko na nagpatianod naman pero tumigil ito sa mismong harap ko.
"Honey...." mahinang tawag niya sa akin. Hindi ako tumingin sa kanya. Pahakbang na sana ako papasok sa elevator nang unti unti na itong nagsasara. Gusto kong magmura ng hindi ko ito abutan para pigilan. Kung kelan naman kailangan kong makaalis agad! Kainis!
"Kanina ka pa ba?" tanong niya ulit sa akin.
"Let's go Just!" dinig kong yaya ulit ng babae. Hindi pa din ito bumibitiw sa paghawak sa braso niya. Ang kaninang maamong mukha na nakatingin sa akin ay napalitan ng pagkairita ng humarap ito sa babae.
"Pwede ba Steph? Can't you see? I'm talking to my wife! Why don't you just go and leave us alone here?!" pagalit na sabi niya. Namilog naman ang mga mata ng babae. Halatang nagulat dahil sa narinig niyang nandito ako, ang asawa ng lalaking kasama niya. Pero kung inaakala ninyong tatalikod o tatakbo dahil sa pagkapahiya niya pwes nagkakamali kayo dahil sadya atang makapal ang mukha ng babaeng nasa harap ko.
"Oh THE WIFE is here.. Hi! Im Steph, the girlfriend slash fubu." malanding sabi niya na ikinagulat ni Justine. Hindi niya siguro akalain na sasabihin ng harapan ng babae yun. Nagulat man pero hindi ko ito ipinahalata. Gaga lang eh noh! Proud pa ang talandeng kabit! Slash-in ko kaya ang lalamunan nito? Tiningnan ko siya ng masama.
"Hindi ko alam na pwede na palang ika-proud ngayon ang pagiging kabit slash fubu." pinagdiinan ko pa iyon. "Kung dati itinatago ang mga ganyan ngayon harap harapan na, ang lakas din ng loob mo. Ninyong dalawa." Mahinahon pero madiin kong sabi saka tumalikod. Hindi ko kailangang maging bayolente, hindi ako bababa sa ganung lebel. Napagpasyahan ko na sa hagdan na lang ako dadaan. Napatingala ako habang naglalakad para pigilan ang nagbabantang luhang gustong ng tumulo.
"Honey wait! Rinna!" dinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Justine pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang ako. Halos takbuhin ko ang daan palabas nang sa ganun hindi niya ako abutan. At paglabas ko ng building ay dali-dali akong sumakay sa taxing huminto sa harap ko. Nagpahatid ako sa bahay ni Sebby. Hindi ako sure kung nasa bahay niya siya pero dun ko pa din naisip na magpunta.
Pero talaga nga atang minamalas ako ngayong araw na ito dahil wala siya dun! Ang sabi ng kasambahay nila ay nasa El Nido daw siya kasama ang mga pinsan. Sunod kong naisip si Conrad kaya naman agad ko itong tinawagan.
"Hello..."
"Where are you?" bungad kong tanong sa telepono.
"Dito sa bahay.."
"Are you busy?" alanganin kong tanong. Sana hindi! Piping dasal ko.
"No I'm not. Why?" Napahinga ako ng maluwag sa narinig kong tugon niya.
"Can I go there? I just need somewhere to go and someone to talk to. Sebby's not around."
"Are you okay? Nasan ka? Susunduin kita,"
"Dito sa labas ng village nina Sebby." mahina kong sabi.
"Wag kang aalis diyan papunta na ako,"
Nakatayo lang ako sa sidewalk habang hinihintay si Conrad. Hindi ko na alam kung ilang oras ba ako naghintay sa kanya. Hindi ko din alintana ang init ng sikat ng araw. Basta nakatayo lang ako dun na para bang tulala at wala sa sarili.

BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...