Eleven

32 1 0
                                    






LARRINNA

"Mommy uwi na po kami," paalam ko kay Mommy Jen nang nasa salas kami at nagkukwentuhan sila ni Mommy. Alas dies y media na. Kasalukuyang nasa garden pa si Daddy at nag-iinuman kasama sina Daddy Jay at Justine. "Kayo 'my hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong ko sa Mommy ko.

"Bi nandiyan lang yung bahay namin sa tapat oh. Mamaya maya pa kami ng Daddy mo. Si Justine ang yayain mo at mukhang lasing na,"

"Ok sige po. Mommy Jen thank you po ulit." Nakangiti kong sabi. Tumango at ngumiti naman si Mommy Jen. Tumayo na ako para sana puntahan na si Justine pero siya namang pasok nito sa salas.

"O iho lasing ka na ata. Umuwi na kau ni Rinna ng makapagpahinga na kayo." Sabi ni Mommy Jen sa kanya.

"Yes Mom." Sagot niya at bumaling naman siya sa akin. "Tara na. Gabing-gabi na eh." Tumango ako at tumungo na sa pintuan.

"Mom, Mommy Shey alis na po kami." Dinig kong pamamaalam niya.

"Okay. Mag-ingat kayo ha. Si Manang Lusing eh kanina pa nakauwi. Nauna na sa inyo at hinatid ng Daddy Lawrence mo. Alam mo naman ang matanda hindi na kaya ang puyatan. Hihih!" Sabi ni Mommy.

Pagkatapos naming magpaalam kina Daddy ay lumabas na kami ng gate. Nagpalinga-linga ako dahil wala yung kotse niya. Wag niyang sabihing....

"Hindi ko na dinala kotse ko. Naglakad lang ako kanina from our house malapit lang naman eh." Dinig kong sabi niya sa likod ko.

"So maglalakad lang tayo?" Huh?! Gusto ko ng magpahinga eh! Mahiga sa kama at matulog! Palalakarin pa ako ng lalaking ito!
"Bakit ba kasi hindi mo dinala kotse mo?!

"Malapit lang namin eh. 3 blocks lang naman. Excercise na din, you know." Kibit balikat pa niyang sabi.

"Ayoko! Pagod na ako! Gusto ko ng magpahinga. Kung lalakarin pa natin aabutin pa tayo ng 10-15mins sa paglalakad nagpapaltos na ang paa ko! Kita mo ba itong sapatos kong pamatay ang heels?! Eh kung dinala mo kotse mo eh di sana wala pang 5mins nasa bahay na tayo!." Reklamo ko pa.

"Problema ba yun? Eh di ipapasan kita sa likod ko. Sakay na," umupo pa siya sa harap ko na para bang sasakay nga ako dun.

"No way! Dadddy!" Histerikal kong tawag kay Daddy na alam kong nasa may garden pa din.

Nakita kong tumakbo papalapit si Daddy kasunod sina Mommy!

"Why anak? Anong nangyari sayo?!?" Parang nawala yung lasing niya. Gusto ko pa sanang matawa sa itsura niyang nanlalaki ang mga matang palipat lipat sa amin ni Justine kaso feeling ko wala na akong energy para dun.

"Don't panic Dad. She's just overreacting," malamig na sagot ni Justine.

"Why bi? Nag-away ba kayo?" Mahinahon na tanong ni Mommy.

Umiling ako. Nagpamewang ako saka humarap kina Daddy. Huminga ako ng malalim para sa konti pang pasensiya na tila gusto ng maubos saka nagsalita . OA na kung OA pero maikli ang pasensiya ko ngayon dahil sa pagod.

"Ayokong maglakad. Masakit na mga paa ko. Hindi niya po dala ang kotse. Sorry for being so 'over reacting' daw," hingi kong pasensiya. Diniinan ko talaga ang salitang overreaacting.

"Ah kala ko pa naman kung napaano na kayo. Tindi ng sigaw mo anak eh," nakangising sabi ni Daddy Jay sa akin."Kala ko nire rape ka na nitong anak ko." Tumawa pa siya ng malakas na sinabayan din ng nanay ko!

"Tsk!" Dinaan ko na lang sa iling ang pagkayamot ko.

"Ano? Halika na para makauwi na tayo," yaya ulit ni Justine. Sabay kuha ng kanang kamay ko.

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon