Nine

28 0 0
                                    




LARRINNA

"It's late." Nagulat ako  ng makita kong nakaupo sa may salas si Justine at hawak ang remote at hindi inaalis ang tingin sa tv.

Tumingin ako sa wall clock. 9:25 pm. Late na pala ang alas nuebe ng gabi sa kanya? Eh anung tawag sa alas tres ng madaling araw na uwi niya?

"Maaga ka lang umuwi. Kaya feeling mo late ako," nakairap kong sabi sa kanya. Tumuloy ako sa kitchen at kumuha ng tubig sa ref.

"Kumain ka na ba?" Sumunod siya sa akin. Nakita kong naghahanda siya ng mga plato sa mesa.

"Tapos na kaming kumain ng mga kaibigan ko," sabi ko at nilapag ko sa mesa ang basong ginamit ko. Palabas na ako ng kitchen ng magsalita siya ulit.

"I've waited for hours tapos wala din naman pala akong makakasabay," mahina niyang sabi pero dinig ko pa din.

Tumingin ako sa kanya. "I never asked you to wait for me. Hindi ko din dala ang kaldero," tumalikod na ako dahil nakita kong nag igting ang panga niya. Anong problema niya?  Himala na nga ang pag-uwi niya ng maaga, mas himala ang paghintay niya para makasabay ako sa dinner. What's with him?

Tumuloy ako sa kwarto namin. Kumuha ako ng damit sa closet at tumuloy sa banyo. Paglabas ko dun nasa may pinto ng kwarto si Justine at nakasandal dun. Nakahalukipkip at makikitang seryosong seryoso ang mukha. Napatingin siya sa akin habang nagpupunas naman ako ng buhok kong basa.

Tumaas lang ang kilay ko ng magtagpo ang tingin namin. Siya naman ay napalunok at kita ko ang paggalaw ng adam's apple niya.

"May sasabihin ka ba?" Nang hindi ako makatiis ay tinanong ko na siya.

"Ahm about what happened kanina sa mall," may alinlangan niyang sabi.

"Ah yun ba? So? Kung inaalala mong baka magsumbong ako kina mommy, dont worry i won't do that. So chill and stop worrying," matabang kong sabi at naupo sa harap ng tokador. I grab the blower and started to blow dry my hair. Nakita ko sa reflection na nagsasalita siya at dahil maingay ang blower hindi ko ito naririnig. Naramdaman ko na lang na inagaw niya sa akin ang hawak kong blower. Naiinis akong humarap sa kanya .

"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong.

"I'm still talking. Can you please listen to me first?" Mukhang naiinis din siya. But i don't care.

Napabuntong hininga na lang ako. "Okay. Talk."

"Yung nakita mo kanina. Isang kliyente. We discussed some matter over lunch. Kaya nasa mall kami..."

"Wait.wait. Stop." Pigil ko sa kanya. "And why are you telling me this? You're not you when you're explaining. Ang kilala kong Justine ay yung walang pakialam sa sasabihin ng iba magawa lang ang gusto, hindi humihingi ng explanations at hindi nag eexplain," Nagtataka kong tanong sa kanya. Inismiran ko pa siya ng makita kong naiinis na naman siya.

"I just feel na kelangan kong mag explain sa iyo," nakaiwas ang tingin niya sa akin.

"All of a sudden?" Nagtataka pa din ako sa kanya. "Dati mo ng gawain yan Justine. How many times na bang nakita kitang may kasamang babae? Twice? Thrice? Hindi ko na nga mabilang eh. Nakaakbay, holding hands and the worst eh kahalikan mo pa sa loob ng kotse mo? Nag explain ka ba sa akin nun? Bakit ngayon parang big deal sa iyo yung ngyari kanina?" Hindi ko na mapigilang sabihin yun. I know it sounds bitter, but im not. Gusto ko lang  ilabas yun. Gusto ko lang ipaalala sa kanya na hindi niya gawain  dati yun. At wala sa usapan namin yun. Di ba nga wala kaming pakialamanan. Do what he wants and i'll do mine.

"Now tell me Justine. What is it?"  Nakapamewang kong tanong sa kanya.  Ang lalim na pagkakatitig niya sa akin. Para bang sinasabi niyang wala siyang alam sa tinatanong ko. "What's your agenda? Bakit all of a sudden biglang may pake ka na sa iisipin ko. Bakit  nag-eexplain ka na? Bakit?" Deretso ang tingin ko sa kanya. Gusto kong makita sa mata niya ang sagot. Pero paano ko makikita kung panay naman ang iwas ng tingin niya. Jerk!

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon