LARRINNAKahapon pag gising ko single pa ako. Bago ako matulog kagabi may asawa na ako! Ngayon kelangan ko ng kumilos bilang asawa! Harujusko ang bilis ng pangyayari!
Hindi porke't hindi ko ginusto ang kasal na nangyari, hindi ko na gagawin ang responsibilidad ko bilang asawa. Hindi man ako sanay at hindi ko rin alam ang gagawin bilang maybahay, kelangan kong kumilos. Buti na lang nandiyan si Mommy at Nana Soleng para alalayan ako.
Maaga akong gumising para iprepare ang mga kailangan ni Justine sa pagpasok sa trabaho. Hindi ko man siya gusto bilang asawa, kelangan ko pa ding gawin ang tungkulin ko bilang asawa niya.
"Oh naiprepare mo na ang mga gagamitin damit niya?" tanong ni Mommy.
"Yes 'My. Breakfast at baon na lang niya ang kulang. Papaturo na lang po ako kay Nana," matabang na sagot ko.
"Ok ka lang ba anak? Alam kong hindi bukal sa puso mo ang ginagawa mo. Pero kelangan mong gawin yan. Asawa mo na siya at hindi na mababago yun. " mahinahong sabi ni mommy.
"Do i have a choice 'My? Pwede bang hindi ko gawin ang mga ito? May magagawa pa ba ako? Di ba wala naman na? I need to embrace the fact na maybahay na ako ng isang Justine Zamora na isang womanizer. Sana lang hindi ko pagsisihan 'to," may pait kong sabi.
Isang mapait ng ngiti din ang iginanti ni Mommy.
"I know anak. Pero ang sa akin lang, wag mong tingnan si Justine base sa nakikita lang ng mga mata mo, try to dig deeper. Matagal ko na siyang kilala, alam kong mabuti siyang tao at hindi kami nagkamali na ipakasal kayo. Maayos ang pagpapalaki sa kanya ng Tito Jay at Tita Jen mo," mahinahong saad ni mommy.
"Hindi ko naman po kinukwestiyon ang pagpapalaki nina Tita sa kanya. Alam ko po yun. Mabuting tao sila tito at tita. But sad to say hindi yun namana ng anak nilang panganay," nakanguso kong sagot.
"Hay nakung bata ka. Pagdating talaga kay Justine hindi ka nauubusan ng pintas. O siya, magjo-jogging lang kami ng Daddy mo," paalam na niya matapos akong bigyan ng instructions sa dapat kong iprepare.
"Thanks 'My. Ingat po kayo," walang ganang sabi ko na lang sa kanya. Pumunta ako sa kitchen para umpisahan na ang pagluluto ng breakfast.
At dahil hindi ako mapakali at parang gusto kong makahanap ng kakampi, dahil feeling ko lahat sila ang tingin sa pagpapakasal ko kay Justine ay blessing kinausap ko na din si Nana Soleng. Malay ko sa akin siya kumampi di ba?
"Nana kelangan po ba talagang gawin ko 'to?" tanong ko.
"Iha may asawa ka na. Siyempre kelangan mong gawin to. Kung dati sarili mo lang iniintindi mo, ngayon may asawa ka ng dapat pagsilbihan at isaalang alang. At pag nagkaanak kayo, ganun din gagawin mo. Mali man ang naging simula ninyo, gawin mo na lang ng tama ang maging buhay ninyong magkasama." mahabang payo ni Nana Soleng.
Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. Okay sabi ko nga wag na akong magtanong pa at lalong wag ng maghanap ng kakampi dahil obviously lahat sila ang tingin sa pagpapakasal namin ay malaking blessing! Wala naman na talaga akong magagawa eh. Kasal na ako sa kanya. Hindi man namin mahal ang isa't isa sa ngayon, siguro naman yung respeto kaya kong ibigay sa kanya. Kahit yun muna sa ngayon.
"So ano na po Nana? Start na tayo. Turuan nyo na po akong magluto." nakangiti kong sabi sa kanya.
Simpleng breakfast lang naman ang ginawa ko. Sinangag with scrambled egg and corned beef. At nagprepare din ako ng chicken sandwich niya. At magluluto din ako ng pork adobo for lunch naman niya.
At ng alam kong malapit na siyang bumaba nagtimpla na ako ng kape niya. Nakaupo na ako ng bumaba siya. Hindi ko siya binati o tiningnan. Hindi pa ako sanay sa presensya niya.
BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...