SPGLARRINNA
Umakyat na ako sa kwarto namin para maligo. Naalala kong may lakad pala kami nina Sebby at Conrad. Papasok na ako sa banyo ng marinig kong may kumakatok. Si Manang siguro. Nandiyan na siya. Pagbukas ko si Manang Lusing nga.
"Manang! Ang aga po ata ninyo umuwi?" tanong ko.
"Oo. Hinatid nga akong mga anak ko pagkatapos namin mamasyal. Nandiyan sila sa baba. Baka kako gusto mo silang makilala," malambing na sabi ni Manang.
"Ay ganun po ba? Ok sige po," sagot ko saka inalalayan si Manang pababa ng hagdan. Nadatnan namin na kausap ni Justine ang dalawang anak ni Manang.
"Mga anak eto si Larrinna ang asawa ni Justine. Ang mga napakababait kong mga amo. Eto naman ang dalawang anak ko, si Luis ang panganay ko at si Jeric naman ang bunso," nakangiting pagpapakilala ni Manang.
"Hi po. Nice meeting you po," sabi ni Luis na nakangiti. Si Jeric naman ay napansin kong nakatitig sa akin. Bahagya pang nakaawang ang mga labi. Pasimple akong natawa sa kanya. At hindi yun nakaligtas kay Luis kaya naman napatingin siya sa kapatid at natawa din sa nakita. Pasimple niya itong siniko. Napaigtad naman ito saka natarantang inabot ang kamay sa akin. Nangingiti ko namang inabot yun.
"H-hello po. N-nice meeting you po," utal utal pa niyang sabi.
"Hi din sa inyong dalawa. Nagmeryenda na ba kayo? Teka ipaghahanda ko kayo," nakangiti kong alok sa kanila.
"Naku wag na po kayong mag-abala. Tapos na po kami nina Nanay." Nakangiting tanggi din naman ni Luis. Si Jeric naman ay halatang naiilang na. Hindi na nakapagsalita. Ngunit mas lalo itong nailang at namula nang tuksuhin ni Manang Lusing.
"Naku ang isa diyan natulala na. O diba sabi ko sa inyo at napakaganda nitong si Larrinna. Eh di natulala ka ngayon Jeric? Diyaskeng bata ito, mukhang hinipan na ng hangin," nanunuksong sabi ni Manang.
"Naku si Manang naman. Maganda lang po ako, hindi napakaganda. Sobra naman po iyon," nahihiya kong sabi.
"Si Nanay naman binuko pa si Jeric. Obvious na nga po eh," tukso din ni Luis kaya lalong namula ang pisngi ng binatilyo pati ata tenga namula na.
"Tama na po at baka lalong mailang si Jeric," dinig kong sabi ni Justine. Napangiti naman si Manang na tila naaaliw sa inaasta ng anak na binatilyo. Samantalang mapanuksong ngisi naman ang ibinigay ni Luis sa kapatid na ginantihan naman niya ng mahinang suntok sa balikat.
"Tara na nga kuya alis na tayo," bigla sabi ni Jeric.
"Sus! Nahihiya ka lang eh," tukso ni Manang.
"Nay madami pa po akong project na gagawin eh," nahihiya namang sagot ng binatilyo.
"O siya sige mag-iingat kayong dalawa." sabi ni Manang.
"Aalis na po kami Sir, Maam," sabi ni Luis.
"Anong Sir at Maam? Pinatanda mo naman kami niyan!" sabi ni Justine. Ako naman napangiwi sa narinig kong tawag nila sa amin. Napatawa naman si Manang.
"Sorry po." paumanhin ni Luis.
"Ate or kuya will do," sabi ko. "Pero teka lang magkaedad lang pala tayo. You can call me Rinna na lang, and you Jeric you can call me Ate," nakangiti kong baling sa binatilyo na hanggang ngayon ay namumula pa din. Pero tumango siya bilang sagot.
"Ok sige po. Kayo ang bahala. Panu po aalis na po kami nitong kapatid ko," paalam niya.
Tumango lang ako at ganun din si Justine. Nakita ko pang tinapik siya sa balikat ng asawa ko at tumango.

BINABASA MO ANG
Cheating Heart
Fiksi UmumFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...