Eighteen

35 3 1
                                    




JUSTINE

Nakita kong maga ang mga mata niya. Halatang umiyak siya. Dahil ba sa sugat niya yun o dahil sa akin. Merong parang kumurot sa dibdib ko ng maisip kong ako ang dahilan nun. Masakit pala kapag nakikita mong nasasaktan ang mahal mo, emotionally o physically man yun. Hindi ako mapakali sa higaan ko. Antok na ako pero hindi ko maiwasan ang isipin ang dahilan ng pamumugto ng mga mata niya.

Binuksan ko ang tv sa kwarto at hinintay siyang pumasok. Lumipas ang isang oras pero wala pa din siya. Tumayo ako at bahagyang sumilip sa pinto. Walang akong maulinigan sa baba kundi ang tunog ng bukas ding tv sa sala. Marahil ay hindi pa siya inaantok dahil sa maghapong pagtulog. Bumalik ako sa kama at nahiga muli.

Lumipas pa ang oras at nakaramdam na ako ng antok. Hindi pa din siya umaakyat. Kaya bago pa man ako tuluyang makatulog ay nagpasya na akong puntahan siya sa baba.

Nakita ko siya nakahiga sa sofa at mukhang nakatulog na. Pinatay ko muna ang tv saka ko siya nilapitan. Bubuhatin ko na sana pero naisip kong baka magising. Pinagmasdan ko muna siya saglit. Nagiging habit ko na ata ang pagtitig sa kanya sa tuwing natutulog siya. Ito lang kasi ang oras na malaya ko siyang matitigan.

Bigla siyang kumilos at tumagilid. Patalikod sa kinatatayuan ko. Ang lakas naman ng pakiramdam nito na kahit tulog ata ay nararamdaman niyang may nakatingin sa kanya. Umalis na lang ako at umakyat muli sa kwarto namin, hindi upang matulog kundi para kumuha ng unan at kumot.

Inilapat ko sa katawan niya ang kumot saka nilagyan siya ng unan. Biglang may pumasok na ideya sa utak ko. Tutal naman ay tulog na siya. Hindi naman siguro niya mamalayan kung tatabihan ko siya kahit saglit lang. Gusto ko lang siyang mayakap gaya ng ginagawa ko tuwing gabi kapag mahimbing na ang pagtulog niya. Saglit lang naman eh. Aalis din ako bago pa man siya magising. Agad akong nahiga sa tabi niya at niyakap siya. Sa ganitong ayos napapanatag ako. Kahit sandali ay nawawaglit ang problemang dulot ni Steph sa buhay ko.

Nagising ako ng alas cuatro ng madaling araw dahil sa naninigas na bagay sa pagitan ng hita ko. Hindi ko tuloy malaman kung dahil ba sa kayakap ko o dahil sa naiihi lang ako. Dahan dahan akong tumayo at tumungo sa banyo na may hiling na sana mabawasan ang paninigas nito pagkatapos kong ilabas.

Matapos kong magbanyo ay bumalik ako sa sala pero dahil malapit ng magising si Manang ay nagpasya akong buhatin na lang si Rinna paakyat sa kwarto.

"Wow ang bigat ha," nausal ko pagkabuhat ko sa kanya. "Hindi naman mataba pero kabigat." Dahan dahan ang pag-akyat ko sa hagdan dahil may pangamba ako na baka mahulog kami. Nahiga ulit ako sa tabi niya. At dahil maaga pa naman kaya matutulog pa ako.

Nagising ako makalipas ang dalawang oras. Wala akong balak pumasok ngayon sa opisina dahil gusto kong maisaayos muna ang namamagitan sa amin ni Rinna.

Naisip kong ipagluto siya ng breakfast. Java rice, bacon and egg at dalawang tasang hot choco. Nang matapos ay nilagay ko sa tray at inakyat sa kwarto. Nakita ako ni Manang sa tapat ng kwarto namin kaya naman tinulungan niya akong magbukas ng pinto.

"Hay mainam iyan at inakyatan mo na lang ng pagkain ang asawa mo, baka mahirapan kasing bumaba iyan dahil sa sugat niya," puna ni Manang. Tumango at ngumiti ako sa kanya.

"Sasabayan ko na po siyang kumain Manang. Pasensiya na po kung wala kayong makakasabay sa baba ha," paumanhin ko.

"Naku naku! Ayos lang sa akin iho. Masaya akong nagagawa mo na ito sa asawa mo. Ipagpatuloy mo lang ang ganyang gawain mo ha," mas matamis pa sa tsokolateng tinimpla ko ang ngiti ni Manang.

Isang mahinang katok ang ginawa ni Manang bago niya tuluyang binuksan ang pinto. Nakita kong nakaupo si Rinna sa gilid ng kama, halatang kakagising lang niya.

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon