JUSTINEKami lang ata ang ikakasal na hindi masaya. Gusto kong tumakbo palayo. Iiwan ko na lang siya sa gitna nitong simbahan. Pero dahil sa ginawa ko sa kanya wala akong lakas ng loob na gawin yun. Kung bakit ba kasi hindi ko nakontrol ang sarili ko nang gabing yun! Eh di sana malakas ang loob kong tumanggi sa kasalang ito!
Ako din ang naglagay sa sarili ko dito sa sitwasyong ito. Wala akong ibang dapat sisihin. Ok na sana eh, napapayag na namin na huwag kaming ipakasal nina Daddy. Pero sa katangahan ko at sa kalibugan ko na din eh di heto ako ngayon! Ikakasal sa taong hindi ko naman mahal at hindi din ako mahal!
Attraction? Oo may nararamdaman akong attraction sa kanya pero ang layo naman yun sa pagmamahal na dapat nararamdaman ng dalawang taong ikakasal! Attraction na nagsimula nung may nangyari na sa amin. Aaminin ko hinahanap hanap ko ang katawan niya. Lalaki ako syempre natural lang sa akin yun!
Maganda siya eh. Kaya naman nakakahumaling siya. Lalo ngayon sa suot at ayos niya. Lalong lumitaw ang kagandahan niya. Nakatitig lang ako sa kanya habang papalapit siyang naglalakad sa aisle.
Kahit sinong lalaki mapapatingin talaga sa kanya. Pansin ko nga pati mga groomsmen ko nakatitig sa kanya. Kahit itong sakristan ng pari nakita kong tulalang nakatitig sa kanya! Kung mahal ko siguro siya pagseselosan ko lahat ng nakikita kong tumititig sa kanya ng ganito. Pero hindi eh at wala akong makapang selos.
Lumipas ang oras ng hindi ko namamalayan. Sumasagot ako sa mga tanong ng pari pero wala sa loob ko. Narinig ko na lang ang hiyawan nung sinabing "kiss the bride" na daw. Hinalikan ko siya ng banayad sa labi, napapikit kaming parehas dahil dun. Sabay kaming napamulat pagkatapos at kiming nagkangitian. Ano yun? Sa akin ba yun o sa kanya? Lakas ng kabog ng dibdib eh!
Pagkatapos sa simbahan, nagpunta na kami sa reception. At tuwing nagtatama ang mga mata namin agad naming binabawi ito. Na tila ba nagkakahiyaan.
Pagkatapos nun sa bahay nila kami umuwi. Dito sa bahay daw ng mga magulang niya kami pansamantalang titira habang inaayos pa ang bahay na binili nina Mommy at Daddy para sa amin. Regalo daw nila iyon sa amin. Hindi lang umabot sa kasal namin ang deadline ng construction dahil nga naging rush ang kasal.
Honeymoon package naman sa Paris ang regalo ng mommy at daddy niya, pero tinanggihan niya iyon. Ayaw daw niyang mag honeymoon. Alam ko naman ang dahilan eh, ganun din sina Mommy. Kung siguro mahal namin ang isa't isa buong puso naming tatanggapin yun. Pero hindi eh. Tama na iyong ikinasal kami, makakapaghintay naman iyong honeymoon. Siguro kapag natutunan na naming mahalin ang isa't isa.
Kasalukuyan siyang naliligo sa kwarto ng bumaba ako at nagpaalam muna kina Mommy Shey na kukuha ng mga damit ko sa bahay. Isang matamis na ngiti at tango ang sinagot niya sa akin. Alam kong sila ni Mommy ko ang masaya para sa amin, ito nga diba ang gusto nila. Ang magkatuluyan kaming dalawa ni Larrinna.
Naligo muna din ako sa kwarto ko at kinuha na ang maletang puno ng damit na dadalhin ko sa kabilang bahay. Inayos na daw lahat ni Mommy kaya hindi ko na chineck pa.
Nagpaalam na ako sa mga kapatid ko at kina Mommy at Daddy na nasa sala nanonood ng tv.
"Sus si kuya parang ang layo naman ng pupuntahan! Eh diyan ka lang naman sa katapat na bahay! Ilang hakbang lang oh!" mataray na sabi ni Jennica.
Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako ng bahay bitbit ang maleta ko. Hinatid ako ni Mommy sa gate. Pagpasok ko sa kwarto ni Larrinna nakita kong tulog na siya. Napagod kanina sa reception. Inilagay ko na sa isang tabi ang maleta at humiga na din sa tabi niya. Bukas ko na lang aayusin.
At bukas panibagong buhay na ang kakaharapin ko. Kakayanin ko ba ang buhay may asawa? Kakayanin ko bang iwan ang buhay ko dati? Aaminin kong hindi pa ako handa sa buhay na ganito. Kahit minsan hindi pumasok sa isip ko ang pag-aasawa. Pero heto ako biglang bumaliktad ang mundo, at may asawa na ngayon!
BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...