This is dedicated to you ms. @elaylay813. Thank you so much!LARRINNA
Nagising ako na parang hindi ko maigalaw ang mga binti ko. Nakapikit pa din ako at ramdam ko ang paghapdi ng mga mata ko. Alam kong namamaga ito dahil sa pag-iyak kagabi. Pilit kong ginagalaw ang paa ko pero dahil sa bigat ng nakadagan sa akin ay hindi ko ito maikilos. Alam kong si Justine ang nagmamay-ari ng paang nakapulupot sa mga binti ko at mga brasong nakayakap sa bewang ko. Hindi ko alam kung paanong nangyari na magkatabi na kami ngayon dahil sa pagkakaalam ko ay nilock ko pa ang pinto at nasa akin ang susi ng guest room.
Pilit kong idinilat ang mga mata ko kasabay ng pagtulak ko sa kanya. Wala akong pakialam kung magising man siya o hindi basta ang importante ay makaalis ako mula sa pagkakayakap niya sa akin. Hirap na hirap man dahil sa bigat ng katawan niya ay nagawa ko pa din. Agad akong tumayo at bago ako makalabas ng kwarto ay napansin ko ang susi na nakasuksok pa din sa door knob, may duplicate pala ang mokong na ito. Bakit ba hindi ko naisip yun?
Tumuloy ako sa kitchen dahil nakaramdam ako ng gutom. Naghalungkat ako sa ref na posibleng niluto ni Manang kagabi na pwedeng initin ko naman ngayon. Nakita ko ang chicken afritadang marahil ay luto ni Manang. Ininit ko ito saka isinangag ang kaning hindi din nabawasan kagabi. Mukhang pati si Manang hindi kumain ah.
Patapos na ako sa niluluto kong sinangag ng maramdaman ko ang presensiya ni Justine sa likod ko. Dyusko amoy pa lang alam ko ng siya ang nasa likuran ko! Winalang-bahala ko lang at nagpatuloy pa din sa ginagawa ko na para bang walang taong nagmamasid sa akin kahit na parang nagwawala na ang mga hormones ko sa katawan! Bakit ba ganito na lang ang epekto niya sa akin? Sa tuwing nararamdaman kong nasa malapit lang siya ay para bang nagkakaroon ng rally sa loob ng dibdib ko! Nag-iingay sila na parang may dalang tambol at hindi mapakali kagaya ng puso ko! Pisti ka Justine kinulam mo ata ako para mahumaling sa iyo!
"Naunahan mo akong magising. Ako dapat ang gagawa niyan," his voice was husky. Halatang kagigising lang. Hindi ako umimik at pinatay ko na ang kalan. Kukuha na sana ako ng pinggan para maghain nang hawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya. Gumuhit sa ilong ko ang natural niyang amoy nang yapusin niya ako. "Good morning honey," bulong niya. Hindi ako gumanti ng yakap o kahit gumanti man lang ng bati. Sariwa pa sa akin ang nangyari kahapon.
Matapos iyon ay iginiya niya ako paupo sa harap ng mesa.
"Ako na ang maghahain," sabi niya at binigyan pa ako ng halik sa noo, na ikinataas naman ng kilay ko. "Parehas tayong hindi nakapag dinner kagabi kaya alam kong gutom ka na din tulad ko. What do you want? Coffee or hot choco?"
"Coffee." maikli kong sagot.
"Okay right away honey!" tila ganadong sabi niya. Honey your ass! Parang walang nagyari kahapon ah. Naka move-on agad? Samantalang ako hindi pa!
Tahimik akong kumain. Samantalang siya ay parang hindi mapakali sa kinauupuan niya.
Pilit kong iniignore ang mga galaw niya at itinuon sa pagkain ang buong attention ko.
"Manang left yesterday." mahinang sabi niya na ikinagulat ko. "She tried to call you pero hindi ka daw sumasagot. Nagkaroon kasi ng emergency sa province nila. Her sister is sick at kelangan ng may mag-aalaga. But Manang said she'll come back as soon as her sister get better." bahagya siyang tumigil at humigop sandali ng kape.
"Nang umalis ka sa office kahapon ay sinundan kita just to explain what you saw inside the elevator. Sa pag-aakalang dito ka sa bahay pumunta ay dito ako dumiretso nun. And i saw Manang packing her things while crying. Gusto sana niyang magpaalam sa'yo personally pero hindi ka na niya nahintay pa. She needs to catch the last trip pauwi sa kanila. Actually Manang left 30 minutes before you came home." malungkot na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...