Fifteen

50 2 7
                                    

LARRINNA

Nagising ako alas diez y media na ng gabi. Mahapdi ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Nakaramdam ako ng pagkalam ng sikmura. Naalala kong soup lang pala ang kinain ko at kaninang umaga pa iyon. Walang lunch walang dinner.

Bumangon ako at nakita kong bakante ang space na hinihigaan ni Justine. Hindi ko alam kung umuwi ba siya kanina o maghapon siyang wala dito sa bahay. Kelangan ko pa bang malaman yun? Palagay ko hindi na. Mas mabuti pang bumalik ulit kami sa dati na walang pakialamanan. Siguro yun ang mabuting gawin ko para hindi na lumalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kelangan ko ng rendahan ang puso ko bago pa tuluyang mawasak dahil sa kanya.

Kinuha ko ang phone kong nasa ibabaw ng bedside table buti na lang nakita ni Manang to kanina habang nililinis niya ang mga natapong soup. Nahulog pala sa sahig dahil sa kalasingan ko siguro kagabi.

Tadtad ng messages at missed calls ang phone ko from Sebby and Conrad. Puno ng pag-aalala ang mga messages nila. Buti pa sila nag-aalala sa akin pero yung taong ineexpect kong mag-alala hindi ko man lang naramdaman maghapon dito sa bahay.

Tumayo ako para tumungo sana banyo para maligo nang maramdaman ko ang kirot ng talampakan ko. Shit! May sugat nga pala ako. Iika ika na lang akong naglakad papuntang cr. Iniiwas na maiapak ang parteng me sugat. Naalala kong hindi ko daw pala pwedeng basain ang sugat upang hindi mamaga kaya naman kumuha ako ng plastic at binalot ko iyon.

Pagkatapos maligo at magbihis ay lumabas ako ng kwarto para kumain. Alam kong tulog na si Manang kaya ako na lang ang maghahanda ng makakain ko. Kahit nahihirapan sa sitwasyon ko ay pinilit kong bumaba dahil gutom na gutom na ako.

Dahan dahan ang ginawa kong pagkilos hanggang sa makarating ako sa kusina. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang lalaking nakasubsob sa mesa na tila natutulog. Si Justine. Anong ginagawa niya sa kusina? At bakit dito siya natutulog? Lasing ba siya? There's something in me na gustong lapitan siya at gisingin para palipatin sa kwarto but my mind refuse. Wag na. Hayaan ko na lang siya. Kung gigisingin ko siya anong mangyayari? Ayoko pang makaharap siya lalo't maga pa ang mga mata ko. Magiging awkward lang ang situation namin dahil sa nangyari kagabi. Pero kawawa naman ang hitsura niya. Habang nagtatalo ang isipan ko hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala si Manang.

"Iha nagugutom ka na ba? Gusto mong kumain? Ipaghahain kita maupo ka na diyan," dinig kong sabi niya. "Ay diyaskeng bata. Hanggang ngayon nandiyan pa pala yang si Justine!" noon lang niya napansin ang nakasubsob na lalaki.

"Kanina pa po ba siya diyan?" tanong ko.

"Oo. Bago ako pumasok sa kwarto ko nandiyan na siya nakaupo at malalim ang iniisip. May problema ba kayong dalawa ha?"

Umiling lang ako kay Manang. At nilapitan ko si Justine. Sa huli napagpasyahan kong gisingin na lang siya kaya naman tinapik ko siya sa balikat.

"Hey Justine. Wake up.."

"Mmmm," ungol niya.

"Wake up and go to our room. Dun ka matulog wag dito," panay pa ang tapik ko sa kanya. Nagmulat siya ng mata at saka tumayo. Tumitig muna siya sa akin at nagsabing, "I'm sorry," maikli lang yun pero hindi ako nakasagot. Tumalikod na siya at lumabas ng kitchen. Hindi ko alam kung para saan ang paghingi niya ng sorry. Gusto kong isipin na dahil iyon sa nangyari sa bar.

"O heto na ang pagkain mo. Kumain ka na at ng makapagpahinga ka na ulit. Musta ba iyang sugat mo? Makirot yan ano?" sunod sunod na sabi ni Manang.

"Medyo po," matipid kong sagot at umupo na para simulan ang pagkain. Binantayan niya akong kumain na sinabayan pa namin ng kwentuhan. At nang matapos ako ay siya na din ang nagligpit at naghugas.

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon