Ten

41 1 0
                                    




LARRINNA

Simula ng araw yun talaga namang pinagtakhan ko kung bakit nag-iba ang kinikilos ni Justine. Madalas maaga na kung umuwi siya kesa sa usual na uwi niyang madaling araw. Ngayon 10pm na yung pinaka late niyang uwi.

Mas madalas na siyang nag-i-stay sa bahay pag weekends. Nakakasama na din siya sa mga dinner kina Mommy o kaya kina Mommy Jen. In short nabawasan ang gimmick niya. Hindi ko alam kung anong drama meron siya. Pero hindi ko maipagkakailang masaya ako sa bagong Justine na nakikita ko.

Mas madalas nauuna na siyang umuwi sa akin! At nadadatnan ko na lang na siya ang nagluluto ng dinner namin. Kaya naman madalas kong napapansin si Manang na nakangiti at mukhang masaya. I don't know why. Manang probably think na ok na ang samahan namin ni Justine. Oh i hope so.

Okay lang naman sa akin ang ganun. Bawas stress. Hindi ko na siya nahuhuling may kasamang babae. Hindi ko lang alam kung nag-iingat lang siya para hindi ko mahuli. Hindi ko na din siya gaanong napapansin na nagbababad sa phone niya. Dalawang linggo ko na ding napapansin ang pagbabagong yun. At napapangiti na lang ako ng lihim pag naiisip ko ang magandang pagbabagong yun sa kanya. Pero nandito pa din sa puso at isipan ko ang pagtataka kung anong dahilan ng mga pagbabago niya.

At ngayon isang araw na lang graduation na namin. At long last! Happy and excited. Yan ang nararamdaman ko ngayon.

"Hi bi! How are you?" Bati sa akin ni Mommy pagbungad ko sa kusina nila. Dumalaw ako dahil namimiss ko na sila ni Daddy. Wala akong pasok sa school kaya naman sinamantala kong dumalaw sa kanila.

"I'm good 'My. Excited as well," malambing kong sagot. Sabay yakap sa likod niya.

"Hmmm. That's good. Nga pala musta ang isusuot mo bukas? Dress? Hindi ko pa nakikita ha," sabi ni Mommy habang kinukuha ang cake sa oven. Naamoy ko ang mabangong aroma ng cake na gawa niya.

"Yup dress. As if i have a choice? Kahit mangati pa po siguro ako bukas yun pa din ang isusuot ko. Hindi naman pwedeng jeans and shirt baka hindi ako papasukin sa venue," nakangiti kong sabi kay Mommy.

"Hihih! Don't worry bi i'm sure you'll look wonderful tomorrow!" Excited pa niyang sabi. "Mana ka kaya sa akin!" Yun yun eh!

Ngumiti ako saka kumuha ng tubig sa ref. "matagal pa po ba yan 'my? I want to taste it," sabi ko habang kumukuha na ng platito and fork sa cabinet.

"A couple of minutes na lang dear. Just wait and ready your plate." Sagot naman niya habang kinukuha ang pang slice.

"O here, taste it!" Inabot niya yung platito ko at nilagyan ng black forest cake ala mommy.
Kumuha ako ng bahagya tsaka tinikman.

"How was it?" Nakaabang na tanong ni mommy.

"As usual! Super sarap pa din po!" Sabi kong walang halong bola.

"Excited na akong ipatikim sa Daddy mo 'to!" Masayang sabi pa niya. Ngumiti naman ko bilang tugon at inabala ko na lang sarili ko sa pagkain ng cake. Knowing my mom gusto laging si Daddy ang unang makatikim sa mga luto niya o mga binake niya nagkataon lang na nandito ako kaya ako ang nauna!

"How about your shoes? How was it?" Biglang tanong na naman niya.

"Don't worry about my shoes 'my. Si Sebby ang pumili nun kaya sure akong babagay sa dress ko at magugustuhan mo din," i rolled my eyes. Kasi alam kong mas may tiwala siya sa taste ni Sebby when it comes to shoes.

"Oh good! Kala ko sneakers ang isusuot mo eh! Hahah!" Ngumuso ako tsaka sumubo ulit. "How many inches by the way?" Usisa niya ulit.

"Hmm 4 i think. Don't know how would i carry that stupid heels. Baka matapilok lang ako pag akyat sa stage at gumulong pababa ng stairs!" Nakanguso pa din ako. Kasi ba naman ang taas ng heels na yun. I cant imagine myself wearing that! Eh panu kung matapilok ako? Center of attraction ang peg?!

Cheating HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon