Napamulat ako bigla dahil sa mga sigaw na narinig ko. Nakita ko sina Mommy, Daddy, Tita Jen at Tito Jay na nakatayo sa paanan ng kama ko at mukhang gulat na gulat!"Ang aga aga naman 'My! Ang sakit sa tenga ng boses nyo. Ano po bang pro---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng maramdaman kong may kumilos sa tabi ko. Napamulagat ako ng makita ko si Justine!
"ANONG IBIG SABIHIN NITO JUSTINE!!" umalingawngaw ang boses ni Daddy sa buong kwarto ko. "BAKIT NASA KWARTO KA NG ANAK KO AT NAKAHUBAD KAYONG PAREHAS!" galit si Daddy.
"SUMUNOD KAYO SA BABA!" matigas na sabi ni Daddy at tumalikod na. Iiling iling naman na tiningnan ng masama ni Tito Jay si Justine.
"Magbihis na kayo. Wag niyong paghintayin ng matagal ang daddy mo lalong magagalit yun," sabi ni Mommy. Naluluha akong tumango. Ngayon ko lang nakitang nagalit ng ganun si Daddy. Lumabas na din si mommy at tita.
Hinila ko ang kumot para pantakip sa hubad kong katawan. Hindi ako tumitingin kay Justine. Napangiwi ako ng maramdaman ang kirot ng hiyas ko. Shit wala na talaga, hindi na ako virgin! Akala ko nananaginip lang ako kagabi!
Pumasok ako sa cr para maligo. Ang tanga tanga mo Larrinna! Naglasing lasing ka pa kasi! Ayan tuloy! Hinahampas ko ang ulo ko dahil sa inis. Napaiyak ako sa inis sa sarili ko. Hindi ako dapat nanaglasing! Eto tuloy napala ko! Bwiset! Bwiset! Bwiset! Tinapos ko na ang paliligo kahit pa ramdam ko ang hapdi sa pagitan ng hita ko.
Lumabas ako ng cr ng naka-robe lang sa pag-aakalang wala na si Justine doon. Pero nagulat ako dahil nandun pa pala siya at naka upo sa gilid ng kama ko. Feel at home ang peg?!
"Pwedeng lumabas ka na? Magbibihis na ako," matabang kong sabi sa kanya.
"Hihintayin na kita, sabay tayong lumabas," narinig kong sagot niya. Kaya naman napatingin ako sa tingin.
"Narinig mo db? Magbibihis ako. Ano yun? Magbibihis ako sa haraapan mo?!" naiirita kong tanong sa kanya.
"Pwede din," nakangisi niyang sabi. Manyak!
"Seriously?? Nagagawa mo pang ngumisi at mag-isip ng kamanyakan sa sitwasyon natin ngayon? Hindi mo ba naisip na sa paglabas natin dito may possibility na matatapos na din ang maliligayang araw ko at lalong lalo na sa iyo!" naluluha kong sabi.
Napatitig siya sa akin. At nagpakawala ng malalim na hininga. Tinalikuran ko na siya at kumuha ng damit sa cabinet ko. Sa cr na lang ako magbibihis mukhang walang balak talagang lumabas ang hinayupak na ito!
Bumaba na kami pagkatapos nun. Nadatnan naming nag-uusap usap ang mga magulang namin. At nang makita kaming pababa ng hagdan ay tumigil sila at hinintay ang paglapit namin.
Nakatungo ang ulo kong umupo sa pang isahang upuan. Hindi ako makatingin sa mga magulang ako dahil sa kahihiyan. Narinig kong tumikhim si Daddy.
"Now care to explain everything to us? Paano ka napunta sa kwarto ng anak ko?" rinig kong tanong ni Daddy. Obviously kay Justine muna siya humihingi ng explanation.
Hindi agad nakasagot si Justine. Malamang naumid ang dila! Seryoso ba naman si Daddy at halata sa boses nito ang tinitimping galit. Sino ba namang lalaki ang hindi maiintimidate sa kanya.
"Ahm... Lasing po ako kagabi tapos po nung tinanong ko si Mommy kung nasan yung dalawang kapatid ko she said nasa guest room po. So i went upstairs and binuksan ang unang pintong nakita ko and i entered. Pero mali pala yung pinasukan ko, kwarto po pala yun ni Larrinna. Nakita ko siyang natutulog dun, hindi ko na po nagawang lumabas. Nahiga na din po ako sa tabi niya and....and..."
"AND WHAT??? Sinamantala mong natutulog siya?? Galit na akusa ni Daddy.
"Im sorry po... Hindi ko lang po napigilan ang sarili ko," nakayukong sabi niya.

BINABASA MO ANG
Cheating Heart
General FictionFor better and for worse, till death do us part. Pangako ng mga bagong kasal. Eh paano kung nag-uumpisa pa lang kayong bumuo ng pamilya mukhang hindi mo na maachieve ang 'till death do us part' na yan? Gugustuhin mo pa bang makasama ang asawang hin...