Love is so overrated.
Hindi ko talaga maintindihan kung bakit halos lahat ng tao sa mundo ay nahihiwagaan dito. Marami namang klase ng pag-ibig. Merong pag-ibig sa bayan, sa ina, sa pera, sa sarili, o kahit sa aso—these I can understand.
Naiintindihan ko naman talaga ang love e, romance lang naman talaga ang problema ko.
Kaya nang pagawan ako ng thesis ng prof ko tungkol love at romance, hindi ko na alam ang gagawin.
Pero mabuti na lang nakapartner ko si Marc. May girlfriend s'ya kaya naman hindi na siguro kami mahihirapan since isa samin nakaexperience na mainlove.
Sana nga lang love talaga ang namamagitan sa kanila.
Pero dahil kami ang gagawa ng thesis, hindi naman advisable sa kami ang subjects. Kaya naman sinuyod namin ang buong UP Manila para makahanap ng isang couple subject.
Prospect #1: Angel Capili- 3rd yr Civil Engineering student at si Harold Constante- 4th yr Nursing student. 3 years na sila.
Sa may gotohan malapit sa campus, may mag asawang nagtitinda ng isaw. Aksidenteng napadaan kami ni Marc at nakita namin ang bulyawan nilang dalawa. Maganda rin siguro na makita sa thesis namin ang isang negative effect ng marriage kaya naman sila ang Prospect #2
Prospect #2: Alona Nati, 43 yrs old at Macoy Nati, 49 yrs old.
Okay na sana ako sa dalawang pair ng subjects kaso may nahagip ng mata si Marc sa di kalayuan. Isang lalaking nakaupo sa may kanto na nagsindi ng kandila at naglagay ng bulaklak. Wala pa s'yang sinasabi alam ko nang siya ang Prospect #3 namin.
Prospect #3: Nico Santos
Napagdesisyunan naming magsimula na sa thesis bukas. At hindi ko namalayan, pero nagsimula na rin magbago ang pananaw ko sa buhay.
Hindi ko namalayan na simula na rin magbago ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
The Theory Of Love And Romance
Teen Fiction[1]Sinuyod namin ang bawat sulok ng UP Manila upang makahanap ng sagot sa isa sa mga tanong na kinakabaliwan ng bawat Juan na nakasagot na sa slam book- ang walang katapusang "what is love?" Ilang linggo rin kaming halos walang tulog matapos lang an...