Leyli
Inipon ko ang lahat ng pagpapakumbaba na nasa kalooban ko para lang makapagsorry sa ugok na Marc na yan. Sinubukan ko naman na in-person talaga e, pasensya na, maarte lang talaga.
Siguro kung mas close pa kami. Sa ngayon kasi nakikita ko lang si Marc bilang thesis partner at kaklase at hindi bilang kaibgan. Ewan ko baka masyado lang talaga akong maarte.
"Grabe ka naman kasi girl! Magsorry ka na nga! Kawawa naman si Marc!" reaksyon ni Gina nang ikwento ko ang nangyari sa amin ni Marc.
Hay, parang si Marc pa ang bestfriend n'ya.
"E kasi naman! Prinsipyo ko ang kinalaban n'ya!" depensa ko.
"Aba, malay ba nung tao kung anong pinaglalaban mo? Hay nako, umiinit ulo ko sayo"
Sa bagay. Nainis rin tuloy ako sa sarili ko. Sorry na, may pagka-irrational lang talaga ako minsan.
Oo na sige na nga, madalas.
Pati tuloy si Aidan, kampi na kay Marc.
"Kasalanan mo 'yan Leyli. Kaya di ka nagkakaboyfriend e!" sabay hagikgik ni Aidan na sinabayan pa ni Gina.
"Che! Nagsorry na kaya ako," muli kong depensa.
"Oo nga, sa text lang naman. Ang dali-dali lang nung gawin e. Bumawi ka naman kahit konti lang," sumbat ni Gina.
Sa totoo lang, pinag-isipan ko naman talaga kung anong peace offering ang ibibigay ko e, kaso wala na talaga sa budget ko since nag-Happy Meal pa ako tapos nag-isaw pa kami ni Michael. Ayoko naman s'ya bigyan ng something na handcrafted since masyado naman atang personal 'yon. One of these days ililibre ko na lang s'ya ng isaw rin siguro.
Kaso baka next next month na ulit ako kakain ng isaw e. Araw araw ba naman ako pinapaalalahanan ni Aidan na huwag kumain non. Hay nako, bio students nga naman.
Sa tuwing kasama ko banaman kumain ng isaw titignan ako ng masama na para bang nakapatay ako ng tao.
Tinignan ko naman si Daddy Pig mula sa Peppa Pig collection ko ng Happy Meal at napapikit na lang. Naaalala ko kasi yung mukha ni Marc noong nasigawan ko s'ya e. Okay lang sana kung galit lang yung pinakita n'ya, kaso mas lumamang ang lungkot e. Feeling ko ang sama sama ko ng tao (medyo masama lang naman).
Alam ko namang may problema ring dinadala ang taong 'yon e. Kasi lahat naman tayo meron. Sadyang may mga tao lang talagang marunong ihandle ang mga 'yon ng hindi kinakailangan ilabas sa ibang tao. Pero si Marc noong araw na 'yon, iba e. Parang ngayon n'ya lang pinakita yung pagod sa mga mata n'ya.
Pero hindi lang kasi pagod at galit ang nakita ko sa kanya, kundi pagkatalo.
Wala pa akong nakitaan ng taong mukhang natalo sa laban na kagaya ng pagkatalo sa mukha ni Marc.
Hindi naman kasi ako usually nagsosorry sa mga tao. Kahit nga kina Gina at Aidan e. Depende na lang kung anong level ang ginawa kog kalokohan sa kanila. Hirap kasi ako aminin na ako yung mali. Alam ko namang dapat matuto ako makipagkumbaba at makipagkapwa tao, pero ang hirap kasi kalabanin ng sarili mo.
Siguro nga masama na nga akong tao.
Pero tinanggal ko ito sa isipan ko. Ayokong bigyan ng pagkakataon ang sarili kong husgahan ang sarili ko rin. Dahil kapag paulit-ulit mong sinasabihan ang sarili mo na masama ka ngang tao, tatak na iyan sa sistema mo. Paniniwalaan, hanggang sa naging masama ka ng tao.
Sa halip ay pinanood ko na lamang ang kopya ko ng video sa interview ng una naming subjects; sina Angel at Harrold.
Binalikan ko ang mga ngiti nilang dalawa sa isa't isa. Hindi ko na rin namalayan na nakangiti na rin ako. Nakakainspire naman talaga ang dalawang ito e. Nagtetake down notes din ako sa mga napapansin ko na makakatulong sa thesis namin. Simula sa hand gestures and physical contact nila sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
The Theory Of Love And Romance
Teen Fiction[1]Sinuyod namin ang bawat sulok ng UP Manila upang makahanap ng sagot sa isa sa mga tanong na kinakabaliwan ng bawat Juan na nakasagot na sa slam book- ang walang katapusang "what is love?" Ilang linggo rin kaming halos walang tulog matapos lang an...