Apat

26 3 5
                                    

Marc

Nakipagsiksikan ako sa FX para lang makarating on time kay Leerah. Ayaw pa naman nun ng pinaghihintay s'ya.

Wala namang kaso sakin na mainitan, ang kaso nga lang binabati ako ng happy new year ng katabi ko sa fireworks ng kili-kili n'ya. Kaya ayon, sa bibig na lang ako humihinga. Spell effort diba.

Buong byahe iniisip ko na kung paano ako babango e kung tuluan na talaga ang pawis ko. Hay di ko pa naman dala yung pabango ko.

Mabuti na lang may tindahan bago makarating sa bahay nila Leerah. Kaya naman nakabili pa ko ng polbo at pabango kahit papaano. Kahit johnson's baby cologne lang yun, pinaligo ko pa rin iyon sa buong katawan ko.

6:08 na nang makarating ako sa kanila. At kahit nginitian nya ko pagkadating ko, alam kong deep inside di natutuwa yon.

Agad kaming umalis at pinuntahan yung venue na matagal nya nang inayos.

Isa syang coffee shop na interactive sa pusa. Closing hours na nila pero dahil kakilala ng pamilya ni Leerah yung may-ari nito ay pinagbigyan nila kami at inextend ang operating hours nila.

Hindi ako mahilig sa pusa. May hika kasi ako. Tska kung ako ang papipiliin, mas gusto ko pa rin talaga ang mga aso. Medyo nahihirapan na akong huminga noon. Pero kaya ko namang tiisin e.

Lahat naman kaya kong tiisin para sa kanya.

At dahil nakahalata na sya siguro sa very very light kong paghihirap tinapik na nya ko.

"Uy okay ka lang ba?" Tanong nya saakin.
"Ayus lang ang cute kasi nila. They take my breath away"

Nginitian nya lang ako at nagpatuloy sa pagyakap sa mga pusa.

Hindi nya naman alam na may hika ako e. Kung alam nya lang, di nya to pagpipilitan. Kaso alam ko namang matagal nya na to gusto gawin ng magkasama kami. Edi go na lang ako.

Ang gusto ko lang din naman e ang makasama sya.

Kahit hindi na ako makahinga.

Panandalian naman akong pumunta sa banyo para uminom ng gamot. Tinignan ko din ang cellphone ko at nakita ko ang nag iisang text mula kay Leyli.

"Ikaw na magsched ng next interview sa prospect #2. Ps enjoy sa date!"

Natuwa naman ako at sinali nya na ko sa pagpaplano para sa thesis. Hindi ko na sya nireplyan dahil una naiinip na siguro si Leerah at pangalawa, wala na kong load hehe.
 Humarap ako salamin. Napakunot ang noo. Isang text lang yun pero...

Bakit ang laki ng ngiti ko?

Isinawalang bahala ko na lahat ng pagkalito sa isip ko at pinuntahan ang masayang masaya na si Leerah. Ngumiti ako pabalik... pero ewan ko ba ulit.

Parang mas may kinang talaga kasi yung ngiti ko kanina

"Bat ang tagal mo? Kanina lumabas na yung Persian Cat! Sayang di mo nakita," bati ni Leerah.

"Ay sorry nagpapogi pa ko, crush ko yung isang pusa e," pabiro kong sagot

Umiling lang si Leerah at binaling ang atensyon sa pusa. Tinitigan ko na lang s'ya. Mukha naman s'yang masaya, kaya tiniis ko na lang ang problema ko sa paghinga at sinubukang yakapin lahat ng pusang inaabot n'ya sakin.

Matapos kong kumbinsihin si Leerah na malapit na ang curfew n'ya at literal na inagaw sa kanya ang mga pusang "gusto n'ya raw iuwi" napasakay ko naman s'ya sa taxi na kanina pa naghihintay sa labas.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon