Labing-tatlo

7 1 3
                                    


Leyli

Ang kapal talaga ng mukha ni Marc! Anong akala n'ya? Kaya ako gumawa ng twitter account para lang mastalk ko s'ya? Aba pati tinga n'ya ata makapal na rin.

Hindi ko nga 'yon ginawa para sa kanya!

Bakit, gwapo ba s'ya para gumawa ako ng twitter account para lang mafollow s'ya.

Ugok talaga yun.

Nagkataon lang na una ko s'yang finallow!

At nagulat lang ako na hindi n'ya pa agad sinabi sa akin yun kaya napatigil ako sa pagfafollow ng ibang tao.

Malinaw nama 'di ba? Walang ibang ibig sabihin 'yon.

Wala nga talagang ibig sabihin 'yon!

Wala nga! As in wala.

S'ya kasi yung huling taong nakita/nakausap ko bago ako gumawa ng twitter account.

E bakit hindi si Gina? Best friend mo 'yon since forever 'diba?

Hala, oo nga 'no?

PERO HINDI PA RIN AKO STALKER AT HINDI PA RIN SI MARC ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO GUMAWA NG TWITTER!

Umuusok ang tenga ko habang pumunta ako sa susunod kong klase. Hindi ko na namalayan na tapos na pala ang klase ko para sa araw na 'to. Focused na talaga ako na makauwi na ng maaga nang may makabunggo ako.

"Ay sorry!" bungad nito. Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko si Michael na titig na titig sa cellphone n'ya. Ni hindi man lang ako nilingon.

"Hoy Michael! Ano bang ginagawa mo?" iritable kong sagot.

"Ay sorry Leyli, naghahanap kasi ako ng pokemon e" sabay kamot sa batok.

"Ano nanaman ba 'yan? Tumingin ka kaya sa dinadaanan mo"

"Ang sungit mo naman! Wala ka nanamang alam sa bagong trends ngayon ha."

"May twitter na kaya ako," bulong ko.

"SI LEYLI NA WALANG SOCIAL LIFE MAY TWITTER NA?!" tinakpan ko naman ang bunganga ng isang 'to. Nakakabwisit talaga 'to mag-overreact. Panandalian naman n'yang tinigil ang paglalaro n'ya (matapos n'yang iexplain kung paano laruin ang Pokemon Go dahil ineencourage n'ya talaga ako magdownload) at sinabayan ako maglakad.

"Kelan mo ba talaga ipapakilala sa 'kin yung nililigawan mo?" pangungulit ko.

"E may klase s'ya e. Bukas na lang promise. Uy may bulbasaur don! Ipafollow mo ko ha @Thisisnotmichael! Oy bukas na lang Leyli, babye!" sabay karipas ng takbo.

Mag-isa naman akong naglakad palabas ng campus. Nauna na kasi sina Gina at Aidan, monthsary daw kasi, magdedate pa daw sila. Sawang-sawa nanaman akong maging third wheel kaya nagpass muna ako.

Sabagay, bukas nanaman ang interview namin kina Mang Macoy. Ilang beses rin akong tinukso ng dalawang yun na date daw ang mangyayari bukas. Hindi ko rin magets kung paano naging date ang pagtatanong namin sa mag-asawa tungkol sa marriage nila. Inip na inip lang siguro sila na magkalovelife ako.

Hindi naman kasi sa ayaw ko e, parang hindi ko pa keri. Ang laking responsibilidad na rin kasi para sa 'kin na magkaroon ng boyfriend, kaya kung hindi ko pa naman din kaya, edi wag na lang muna.

Pero hindi rin naman kasi marami ang nangliligaw sa akin e hehehe.

Papunta na sana ako sa sakayan ng jeep nang habulin ako ni Leerah. Grabe ang ganda n'ya talaga. Ano kayang nakain ng isang 'to at pumayag s'yang maging girlfriend ng ugok na Marc na yun.

Ang ganda n'ya nga pero hindi s'ya marunong gumawa ng tamang life decisions. Char.

Nagulat naman ako dahil hindi naman kami close. In fact never pa kaming nag-usap. Nagngingitian lang kami tuwing nagkakasalubong. Mutual friend kasi s'ya ng kaklase ko dati sa Gen. Math.

"Leyli! Pauwi ka na?" mahinhin n'yang tanong. Grabe babaeng babae pa s'ya. Minsan nakakahiya na ring tumabi sa kanya e.

"Oo, bakit?" tanong ko (na trying hard maging mahinhin rin)

"Tara kain tayo, treat kita. May favor kasi sana ako e," sagot naman n'ya habang hila-hila ako.

Hindi na n'ya ako binigyan ng chance para umo-o o humindi, pero kapag kausap mo kasi si Leerah, hindi ka na rin naman makakatanggi. Marunong ata 'to mangcharm speak e!

Dinala n'ya naman ako sa isang coffee shop malapit sa school. Matapos naming umorder (libre n'ya lahat grabe nakakatuwang nakakahiya!) umupo naman kami sa favorite spot n'ya daw kung saan kita mo yung mini outdoor garden nila.

"So, ano ang maipaglilingkod ko?" tanong ko ulit (na trying hard maging mahinhin ulit)

Ngumiti nanaman s'ya at swear, sobrang puti ng ngipin n'ya! Kaya naman agad kong sinara ang bunganga ko.

"Birthday kasi ni Marc bukas..." panimula n'ya.

Nagulat namab ako. Wala naman s'yang sinabi sa akin! Hindi naman pwedeng ipostpone nanaman yung interview namin since malayo layo pa kami at binawasan pa ang oras namin sa paggawa ng papers.

Nakita naman n'ya ang alarma sa mukha ko kaya agad n'yang kinlaro.

"Alam ko naman na may interview kayo, pero sabi n'ya kasi sa 'kin saglit lang yun. Isusurprise ko kasi s'ya sana. Pagkatapos ng interview, pwede bang tulungan mo ako?" halata namang nahihiya s'ya sa akin. Gaya nga ng sabi ko, hindi ka talaga makaka-hindi sa kanya. Sobrang sweet n'ya pala talaga.

Kaya naman napatungo na lang ako. "Oo naman! Ano bang gagawin ko?"

Agad namang nagningning ang mga mata n'ya at nilahad na n'ya ang plano n'ya.

Nakontrata nap ala n'ya yung mga magulang ni Marc. Ang plano ay dalhin si Marc sa bahay nila pagkatapos na pagkatapos ng interview. Medyo mapapaaga ang interview namin para mga 1, pauwi na dapat si Marc. Invited ang friends nilang dalawa. Pinapapunta rin ako ni Leerah pero nahihiya talaga ako. Wala akong kilala kundi silang dalawa e. Nakakahiya rin naman kung may plus one ako kung isasama ko si Gina. Nagdahilan na lang ako para di makapunta (hindi ko rin alam kung paano ako naka-hindi kay Leerah, miracles do happen).

Nagkwento-kwento na rin si Leerah nang matapos na namin ang usapan tungkol sa surprise para kay Marc. Ang bait bait talaga ng babaeng 'to. Buong kwentuhan namin nakangiti lang talaga s'ya. Minsan kumukunot ang noo n'ya kapag kinukwento n'ya mga kalokohan ni Marc, pero ang cute n'ya pa rin.

Basta ang ganda n'ya talaga! Kaya nakakagulat na girlfriend s'ya ni Marc.

Nang umalis kami sa coffee shop, nag-insist pa talaga s'yang ihatid ako kahit sa sakayan ng jeep. Out of the way kasi ng very very light iyon sa kanila at uuwi na rin naman s'ya. Wala na akong ginawa at hinayaan ko na lang s'ya. Nakasakay na ako sa jeep nang makita ko si Marc. Ah, sabay pala silang uuwi.

Kitang-kita ko rin kung gaano mas lumaki ang ngiti ni Leerah nang makita n'ya si marc. Agad n'ya naman itong niyakap at kiniliti naman si Marc sa tagiliran si Leerah.

Okaaaaaay?

Paalis na ang jeep na sinasakyan ko nang mapatingin sa akin si Marc na para bang nagulat. Isang segundo rin atang nagtama ang mga mata namin. Hindi ko rin alam kung bakit, pero parang nalungkot ata s'ya nun. Umiwas na lang ako ng tingin at inabot ang bayad ng katabi ko.

Advance happy birthday Marc, pero parang i-uunfollow na kita sa Twitter.

***

Thank you for reading ulit! Note: charm speaking ay isang ability ng mga anak ni Aphrodite na makuha ang gusto nila na nabasa ko sa Percy Jackson Series.

Ps, sorry maikli. Peacy y'all!

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon