Sampu

6 1 0
                                    


Marc

Alam mo yung pakiramdam na alam mong magiging maganda yung araw mo? Yung bang lahat ng bagay sa paligid mo perfect sa paningin mo. Mas malinaw at mas makulay mo rin nakikita lahat ng bagay. Medyo cheesy, pero pagkagising na pagkagising ko napangiti agad ako.

Mapapaisip ka na lang na "Hay, ang sarap mabuhay!"

Mas maaga pa nga ako sa alarm clock ko e. Doon ko na lang talaga mapapatunayan na maganda talaga ang simula ng araw ko. Hindi ko naramdaman na wala pang lima oras ang tulog ko. Feeling ko pa nga isang linggo ang tulog ko e.

Nababaliw na nga siguro ako.

School day ngayon e. Simula nang nag-aral ako sa UP Manila, hindi na ako naeexcite gumising ng maaga para pumasok sa school.

Feeling ko tuloy first day of school ko ulit.

Grabe, baliw na nga siguro talaga ako.

Kumain, naligo, at umalis ako sa bahay ng may ngiti sa labi. 'Di ko nga din alam kung bakit hindi nangangalay ang panga ko e.

Nakita ko naman ang iniwan sa akin ni mama na note sa ref at hindi ko talaga maiwasang mapangiti pa lalo.

"'Nak, sorry na! Bawi ako mamayang gabi. Bumili rin ako ng gamot mo, nasa medicine cabinet halungkatin mo na lang. See u later! Mwa"

Grabe ano bang ginawa ko para magkaroon ng ganitong araw.

Siguro natatakot na mga nakakasalubong ko sa daanan dahil sa laki ng ngiti ko sa mukha.

Di ko alam kung si Joker o sobrang saying mascot ng Mcdonalds ang itsura ko ngayon e. Pero wala na akong pakielam. Naaalala ko tuloy ang text na bumungad sa akin pag gising ko.

"Sorry talaga, alam ko naman ako mali e. Sorry, hindi ko sinasadya"

Pumikit pa ako ng dalawang beses, baka kasi lumalabo na talaga ang mata ko. Pinunasan ko pa ang screen ng cellphone ko para mapatunayang hindi ako nagkamali sa nabasa ko.

Kasi naman, si Leyli magsorry?

PERO HINDI LANG NAGSORRY, INAMIN PANG S'YA ANG MALI.

Mas malaki pa ata ang chance kong manalo sa lotto kesa sa makatanggap ng sorry mula sa kanya (hindi ako nag-over react, totoo 'to pramis)

Hindi ko pa s'ya narinig magsorry sa loob ng halos dalawang taon naming pagiging kaklase. As in, pero wala rin naman kasi s'yang nakakaaway sa klase dahil nga hindi nama s'ya gaano nakikipagsocialize unless may group work. Ang alam ko lang na kasama n'ya ay sina Gina at Aidan.

Pero anyway, magkaklase kami sa second class namin. Halos buong first period ko nakatulala lang ako sa wall clock. Nakinig naman ako kahit papaano sa prof ko kaso nga lang half-hearted lang. Magrereview na lang ako sa bahay mamaya.

Balak ko talagang asarin 'yon e. Iniisip ko pa lang magiging itsura n'ya napapahagikgik na ako. Per syempre hindi ko naman s'ya pipikunin. Ayoko namang mag-away nanaman kami 'no.

Maaga ako ng eight minutes para sa klase. Medyo madalang lang 'to mangyari kaya naman pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko.

"Toto ka ba o hologram ka lang?" tanong ni Chester.

"Ang high-tech mo naman. Halika dito bigyan kita ng 3D na pingot," sagot ko sa kanya.

"Oh e bakit nga ang aga mo?" tanong naman ni Bianca.

"Bakit, masama bang maging maaga? May pangarap rin ako 'no kaya nagsusumikap ako. Takot ko lang kay Duterte pagbumaksak ako," depensa ko.

Tinawanan naman ako ng mga sira ulong mga 'to.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon