Pito

24 3 0
                                    


Leyli

Ihahanda ko na sana ang pepper spray ko at itututok ko na rin ito sa kung sino mang humila sa akin papunta sa isang gilid. Ang aga namang maghasik ng kasamaan nitong kriminal na ito. Wala akong ibibigay sa kanya. Paano na? Pangit naman 'tong cellphone ko e, for sure baka dedmahin n'ya lang 'to. Yung wallet ko naman wala ng limang daan ang laman noon!

Naputol lahat ng masasama kong iniisip nang makita ko ang mukha ng lalaking humablot sa akin.

Jusko, si Michael lang pala.

Hindi ko namang maiwasan na bigwasan ang mokong na 'to.

"Para saan yun?!" reklamo n'ya sa akin.

"Walang hiya ka talaga!" sigaw ko sabay hampas sa kanya.

"Aray! Nakakailan ka na ha! Inaano kita dyan?"

Kumalma naman ako panandalian. Pero binigyan ko pa rin s'ya ng isang masamang tingin.

"Sino ba namang tanga na manghahablot sa isang tao ng walang paalam? Aba malay ko ba kung hoholdapin mo ko?"

"Unang unang sa lahat, ang pangit po ng cellphone mo. Ikaw na lang ata hindi naka-android man lang sa buong Pilipinas e!"

Aray. Medyo nahurt ako. Parang madami na talagang nakakapansin na pangit itong cellphone ko. Hindi naman 'to 3310! Grabe naman kayo sa akin. Ayoko lang talaga kasi magka smart phone. Ayoko din ng twitter o Instagram na 'yan. Okay na ako sa facebook, medyo napilitan nga lang ako dahil doon ako kinocontact ng mga magulang ko minsan. E kapag nagkasmart phone ako, baka matempt lang ako magdownload ng kung ano-ano.

Tska mahal na rin kasi cellphone ngayon e. Mas pinag-iipunan ko pa yung band merch kong inorder. Hehehehe.

"Oh, matapos mong laitin ang cellphone ko, ano ba munang dahilan ng paghablot mo sa akin?" tanong ko sabay taas ng isang kilay at paglagay ko ng kamay sa bewang ko.

Ngitian n'ya lang ako at inakbayan.

"Wala naman, namiss ko lang ang unang taong nangbusted sa 'kin"

Tinawanan ko naman s'ya at tinggal ang kamay n'ya sa balikat ko. Akala n'ya makakalagpas s'ya ha.

"Kadiri. Akala mo ba gwapo ka?" pagtataray ko ulit.

"Bakit, akala mo ba maganda ka?" pagsusuplado n'ya pabalik.

"Aba ikaw sumagot nyan, ikaw 'tong nangligaw sa 'kin e" nagmamaganda kong tanong.

"Fair point well made. Tara na nga lang mag-isaw!"

At hinila nanaman n'ya ako.

Hindi ko alam kung paano pa rin kami naging magkaibigan ng isang 'to. Siguro kasi natanggap n'ya na hindi ko s'ya nakikita the way na nakita n'ya ko noon. Second year college nang magkakilala kami. Naging magkaklase kami sa isang subject. Naging close dahil magkaibigan sila ni Aidan na noo'y nililigawan pa lang si Gina.

Matapos ang ilang buwan, nag give up na rin s'ya sa pagpipilit sa pangliligaw n'ya. Mabait naman si Michael kahit papaano. Nagka dalawang relationship na rin s'ya, at lahat seryoso ha. Yung una, high school pa s'ya. Syempre bagets pa, so medyo immature pa kesa sa ngayon. Nakadalawang taon naman sila at hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin. Yung pangalawa naman ay naka-isang taon naman daw, pero ayaw n'ya naman magkwento tungkol sa kanya.

Suspetsa ko nga di pa nakakamove-on 'tong isang 'to sa ex n'ya e. Ayaw kasi mag-open. Ang tanging alam ko lang ay Tere ang nickname n'ya.

Habang binabaybay naman naming ang mga kilalang isawan malapit sa dorm ko, walang tigil naman ang kwento n'ya sa bago n'yang nililigawan.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon