Leyli
Hila-hila ako ng lalaking nasa harapan ko nang matapilok ako. Napaluhod naman ako kaya panandaliang natigil ang mabilis na pagtakbo namin. Mabuti na lang at nakapantalon ako, pero nagasgasan nga lang ang kaliwang paa ko. Nakita ko naman ang pag-aalala sa mukha ng lalaking nasa harapan ko nang makita n'yang nagdudugo na ang hilalaki ko.
"Bibili lang ako ng band-aid, upo ka muna sa may lilom," bilin n'ya sa akin bago umalis.
Agaran naman s'ya tumakbo sa pinaka-malapit na tindahan at naupo naman ako sa malaking bato. Kanina pa kami naglalakad pero ni isa sa amin ay hindi nagsasalita. Mahigit isang taon na kaming hindi nag-uusap kaya nagulat na lang ako nang s;ya ang tumambad sa akin nang lumingon ako.
Akala ko kasi si Marc e.
Napabuntong-hininga na lamang muli ako habang hinihintay bumalik ang lalaking may lakas pa ng loob magpakita sa akin.
Ang lalaking makapal nga talaga ang mukha at may gana pang ipakita ang pagmumukha n'ya sa akin matapos n'yang muntik sirain ang relasyon ni Gina at Aidan dahil lang sa 'di umano ay natatago n'ya raw na feelings kay Aidan.
Complicated 'no?
Bago pa kasi mag-out si Aidan sa pagiging lesbian n'ya, etong si Erik ang bighaning-bighani sa alindog ni Aidan (Aida pa noon) bilang babae. Kaya 'di n'ya makayanan nang malaman n'ya wala ang katotohanan. Shungek e, sukat akalain ba namang magpatulong pa sa akin para mapalapit pa ulit kay Aidan? Haler?! Number one supporter kaya nila ako ng GAidan.
Pero habang pinapakinggan ko s'ya dati, 'di ko maiwasang intindihin s'ya. Pero kahit ano namang gawin natin, mali pa rin ang ginawa n'ya e.
'Di man lang n'ya narealize na sa mga ginagawa n'ya, mas lalo n'ya pang pinapatibay ang relasyon nila Gina at Aidan.
Ilang saglit pa ay bumalik na rin si Erik na may dalang alcohol bulak at band-aid.
"Akin na, ako na," utos ko sa kanya.
Panandalian n'ya naman akong tiningnan at tinaasan ko s'ya ng isang kilay. Wala na s'yang nagawa kundi ibigay sa akin ang mga iyon.
Matapos kong malagyan ng band-aid ang sugat ko, agad na rin akong tumayo at agad naglakad palayo. Malapit na kami sa sementeryo at balak ko pa ring bisitahin ang puntod ng anak nila Mang Macoy at Aling Alona. Papasok na sana ako ng sementeryo nang humarang si Erik sa harapan ko.
"Teka lang," panimula n'ya.
"Umalis ka d'yan Erik. Sasabuyan ko ng alcohol 'yang mata mo, seryoso ako," pagbabanta ko.
"Leyli, sandali lang naman e," pagdadahilan n'ya.
"Erik, okay na sina Gina at Aidan, ano pa bang gusto mong mangyari?" iritable kong sagot. Wala ako sa mood para mang-away pero 'wag na 'wag lang talaga ako susubukan ng lalaking ito.
"Hindi naman 'yon ang pinunta ko dito e," sagot n'ya na ikinagulat ko.
"Nandito ako kasi gusto ko na sanang makapag-usap sa kanilang dalawa. Gusto ko sanang makapagsorry para tuluyan na talaga akong maka-move on. Last na 'to, promise," dagdag niya.
Napatawa naman ako. Yung tawang nagsasabing nako, don't me. "Bakit parang narinig ko na 'yan? Ay! 'Di ba 'yan din yung sabi mo sa akin nung nagpatulong ka na makausap mo 'yung dalawa? Tapos anong ginawa mo? Ay, nag-eskandalo ka nga pala sa UP. Pinahiya mo yung dalawa," pag-aalala ko habang pinipilit kong makalagpas sa kanya.
"Kung gusto mo talaga silang makausap, ikaw yung gumawa ng paraan, hindi yung lalapit ka sa akin tapos aasa kang gagawin ko nanaman lahat para sayo. Hindi na ako maawa sayo," madiin kong pahayag.
BINABASA MO ANG
The Theory Of Love And Romance
Roman pour Adolescents[1]Sinuyod namin ang bawat sulok ng UP Manila upang makahanap ng sagot sa isa sa mga tanong na kinakabaliwan ng bawat Juan na nakasagot na sa slam book- ang walang katapusang "what is love?" Ilang linggo rin kaming halos walang tulog matapos lang an...