Leyli
Mabilis akong naglakad palayo mula kay Marc dahil hindi ko na talaga alam ang mga nangyayari. Naguguluhan, nalilito, nagugulumihaan—lahat lahat na nararamdaman ko! Dapat masaya ako dahil naresolba na namin yung naging away namin e. Dapat masaya ako dahil maganda ang usad ng thesis namin. Dapat masaya ako dahil naestablish na namin yung partnership namin na dati ay puro away lang at misunderstandings.
At higit sa lahat, dapat masaya ako dahil natutunan ko na tanggapin ang mga pagkakamali ko,
Dapat masaya ako dahil this is one of the best version of me.
Pero hindi e.
Natutuwa kasi ako.
Natutuwa ako na dumating sa punto na kaya na naming makipagkwentuhan nang walang nagtataas ng boses. Natutuwa ako na sa gitna ng pag-uusap namin tungkol sa thesis namin, kaya na naming magsingit ng mga kwento tungkol sa personal naming buhay.
Natutuwa ako na kilala ko na si Marc hindi lang bilang kaklase o thesis partner kundi si Marc na mahilig sa bandang Mayonnaise. Kilala ko na si Marc na allergic sa sampaloc pati na rin si Marc na may collection ng mga action figure.
Natutuwa ako at alam kong hindi na pwede 'to.
Nararamdaman ko na ang sarili ko na malapit na akong maattach sa kanya. Hipokrita naman siguro kung sabihin kong hindi ko rin nararamdaman na masyado na ring nagiging malapit ang sarili ko kay Marc.
Simula pa lang nung una, palagi nang nakakabit si Leerah sa schedules namin. Kesyo may date sila o kailangan ihatid ni Marc. Kasama ang mga lakad nilang dalawa sa pag-aayos ng interviews namin sa thesis subjects namin. Paminsan-minsan rin naisisingit n'ya rin si Leerah sa usapan namin gaya ng "ay pareho pala kayo ni Leerah! Mahilig rin s'ya sa isaw" o kaya naman "Uy, Captain America! Niregaluhan ako ni Leerah n'yan!"
Pero ngayon kasi parang hindi na s'ya nag-eexist. Malimit na ang tawagan nila. Hindi n'ya na rin nababanggit ang pangalan ni Leerah sa usapan.
Kaya hindi ko maiwasang kabahan.
I don't want to be the girl that ruins relationships. Ayoko maging kagaya ng mga babae na ang kaya lang irason ay "nagmahal lang naman ako" kasi hindi iyan totoo. That's unreasonable.
Kung nagmahal talaga sila, iiwasan na agad nila sa simula pa lang. Pipigilan na nilang mahulog hanggat kaya pa. Iiwas na rin sila hanggat kaya pang masalba ang relasyon nila. Kasi mararamdaman naman nila kaagad 'yon e.
Ano 'yon, gigising na lang sila isang araw tapos marerealize na nainlove na sila?
That's bullshit.
Sa pelikula lang 'yon.
Sa totoong buhay, alam mo na simula pa lang. Mapapansin mon a unti-unti nang nagugulo ang lahat. Mahahalata mong isa sa inyo ang nadudulas.
At tanga na lang siguro ang magmamaang-maangan.
Nakasulat na siguro sa mukha ko ang pagkalitong nararamdaman ko kaya naman agad na akong niyakap ni Gina nang makasalubong ko s'ya.
"Anong problema?" nag-aalalang tanong ni Gina.
"Marc," bulong ko.
Hindi ko alam kung paano, pero agad n'yang naintindihan ang isang pangalan na lumabas sa labi ko.
"Sige iwan ko muna kayo Leyli ha?" paalam ni Aidan habang ginulo nang bahagya ang buhok ko.
Naupo kami sa canteen. Alam kong free time naming dalawa ngayon kaya naman panatag ako na wala sa aming dalawa ang absent sa kahit anong klase. Alam kong dapat silang dalawa ni Aidan ang magkasama ngayon, nahihiya tuloy ako dahil pinagkait ko pa ang kalahating oras na dapat ay sa kanilang dalawa. Pero nakakontrata nanaman s'ya sa 'kin for life. Bes e.
BINABASA MO ANG
The Theory Of Love And Romance
Novela Juvenil[1]Sinuyod namin ang bawat sulok ng UP Manila upang makahanap ng sagot sa isa sa mga tanong na kinakabaliwan ng bawat Juan na nakasagot na sa slam book- ang walang katapusang "what is love?" Ilang linggo rin kaming halos walang tulog matapos lang an...