Leyli
Mabilis kong sinet-up ang camera. Nakatapat ito kay Harrold at Angel na nahihiya pang maghawak kamay sa harap ko. Pero ilang saglit din, nagsama rin ang mga kamay nila. Nginitian ko na lang sila at ganoon din naman ang ibinalik nila saakin.
"Okay, camera recording," panimula ko.
Saglit na nagtinginan naman ang dalawa at bumungisngis saglit. Nako iba talaga pag bago pa lang char!
"Okay so gaano na nga pala kayo kayo katagal?"
"3 years. 2 weeks, five days, ang 27 minutes" sabay nilang sambit.
"Ay bongga pati minuto bilang," napatawa naman sila saglit. "Sa tingin nyo forever na ito?"
"Oo naman!" Walang pag-aalinlangan nilang sagot.
Napailing na lang ako at napangiti.
"E ano nga ba ang forever para sa new official couple?"
"Sa totoo lang nothing stays forever. Yung earth, yung universe, yung galaxy, lahat yan may ending. Pero forever in terms of romance is a different word," ani ni Harrold.
"Forever is an experience it isnt a time pace. Yun ang paniniwala ko kasi ako I believe na kahit naghiwalay ang dalawang tao, pwede pa ring matawag na forever yung naranasan nila. Hindi naman kasi dahil kayo hanggang dulo ibig sabihin yun lang yung forever," dagdag niya.
"Forever can be as short as minute, pwede nga ring seconds lang e. Basta alam mo sa sarili mong it'll stay with you forever. Sabi nga sa isang libro, some infinites are bigger than other infinities. Okay magiging math geek muna ako pero for example 0.10000 is an infinity and 1.10000 is also another infinity, but the second sample is larger than the first. Oh di ba, some forever are just longer than the others, kaya nga tuwing may nagsasabing walang forever, natatawa na lang ako" saad naman ni Angel.
Hindi lang ako namamangha sa lawak ng pagkakaalam ni Harrold tungkol sa pag-ibig, natutuwa din ako kay Angel. Kasi hindi tinanggal ni Angel yung tingin nya kay Harrold simula nung una hanggang sa huling sinabi nya. Kitang-kita ko yung pagmamahal nya para kay Harrold. Na para bang lahat ng salitang lumalabas sa bibig nya ay buong buo nya na ding minamahal.
Naooverwhelm ako sa kanilang dalawa. Na sa murang edad e kaya na nilang magmahal ng ganoon kalalim.
Bigla namang pinisil ni Harrold ang pisngi ni Angel.
"Wag mo ko mina-math! You don't do that to me!" Biro ni Harrold.
Gumanti naman si Angel at ginulo ang buhok ni Harrold.
Jusko ang harot ng dalawa oh. Magkakasundo sila nina Gina at Aidan for sure.
"E ikaw nga e may pa-forever is an experience ka pang nalalaman! Hahahaha kahit kelan ang corny mo ano?" Balik ni Angel
"Since napag-usapan na ang pagiging corny, nagiging big deal ba sa isang relasyon ang pagiging corny?" Tanong ko.
"Actually may isang kanta ata na sabi 'if it's corny it's real' naniniwala naman ako doon. Ang problema lang siguro ay yung pag-iiba ng perception ng tao sa simple acts of affection. Kasi di ba yung corny naman talaga dati ay sweet? At since nag-evolve na tayo, iba na rin ang tingin natin sa mga bagay bagay, pati na sa love," panimula ni Harrold.
BINABASA MO ANG
The Theory Of Love And Romance
Genç Kurgu[1]Sinuyod namin ang bawat sulok ng UP Manila upang makahanap ng sagot sa isa sa mga tanong na kinakabaliwan ng bawat Juan na nakasagot na sa slam book- ang walang katapusang "what is love?" Ilang linggo rin kaming halos walang tulog matapos lang an...