Marc
Alam ko na kung bakit kumakalabog ang dibdib ko kanina.
May naaksidente nga—ang kwarto ko.
Mangiyak-ngiyak akong pumunta sa kusina kung saan masayang nagluluto ang nanay ko. Naghuhum pa!
"Ma, inayos mo ba kwarto ko?" tanong ko habang hawak hawak ang regalo sa 'kin ni Leerah nung una naming monthsary. Action figure ito na limited addition. Nawawala ang shield ni Captain America e.
Tinaasan naman ako ng kilay ni mama.
"Matagal ko na sinabi sayo na ayusin mo kwarto mo 'diba? Alam mo ba kung ilang nagamit na boxer ang napulot ko? Anim lang naman," pagtataray nanaman niya sa akin.
"E ma, nakita mo ba yung shield ni Captain America?" halos lumuhod na ko sa harap n'ya ngayon.
Kumunot naman ang noo n'ya ngayon. Nag-iisip 'yan panigurado. Bigla naman lumaki ang mata n'ya.
Nako, hindi maganda ito.
"Hehehehehehe, a-ano kasi. Ay alam yung kwan. Hehe, yung kwan kasi ano e," sambit ni Mama habang kinakamot ang ulo n'ya.
"Ano ma?" malapit na talaga akong umiyak.
"E kasi, pinaglaruan yan ng pinsan mo kanina."
Napapikit na lang ako.
Baka naman nasa kwarto mo lang yan.
Hindi naman siguro nasira o nawala ng apat na taong gulang kong pinsan ang limited edition action figure Captain America ko.
Umakyat ako sa kwarto ko at hindi ko na napigilan.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sigaw ko sa unan ko.
Sabi ko na nga ba may panganib na naghihintay sa akin sa pag-uwi ko.
Ilang minuto ko rin itong dinidibdib at matapos ang kalahating oras, bumaba na rin ako ng kwarto. Hindi naman ako galit kay mama. Kasalanan rin naman ito ng katamaran ko. Medyo nainis lang ako ng very very light kasi alam naman ni mama na kahit ano sa kwarto ko pwede namang likutin, 'wag lang mga action figures ko, lalong lalo na ang mga regalo ni Leerah.
"Ikaw naman kasi! Ang gulo-gulo ng kwarto 'yan tuloy nalikot tuloy ni Benedict mga gamit mo," salubong sa akin ni mama.
Sinet ko na lang ang lamesa at hinintay si papa.
"Uuwi ba si ate ma?" pag-iiba ko ng tanong.
"Hindi daw e. Kumain na tayo, mamaya pa daw papa mo e."
Binawasan ko ng isang plato ang nasa lamesa at nagsimula nang kumain.
Sinigang na bangus.
Sabi ko na nga ba.
"Oh bakit ang konti ng kinuha mo? Paborito mo 'yan 'di ba? Sampalok pa naman ang nilagay ko d'yan"
Sabi ko na nga aba. Nasa anino nanaman ako ng ate ko.
"Kelan daw ba uuwi si ate ma?" pilit ko ulit iniba ang pinag-uusapan.
"Busy daw sa thesis e. Ang hirap daw talaga magmasterals e." sagot ni mama habang asim na asim sa kinakain n'ya.
Mabilis kong natapos ang pagkain ko. Mag-iinarte muna ulit ako, pero hindi ko na rin kasi kayang umupo doon at isiping ibang tao naman ang gusto n'yang makasabay kumain. Kaya naman mabilis akong tumayo at hinugasan ang pinagkainan ko.
"Ang konti talaga ng kinain mo 'nak. Niluto ko pa naman paborito mo," malungkot na sambit ng nanay ko.
Tumigil ako sa paglalakad at kinabot ng bahagya ang labi ko. Makati na e.
BINABASA MO ANG
The Theory Of Love And Romance
Teen Fiction[1]Sinuyod namin ang bawat sulok ng UP Manila upang makahanap ng sagot sa isa sa mga tanong na kinakabaliwan ng bawat Juan na nakasagot na sa slam book- ang walang katapusang "what is love?" Ilang linggo rin kaming halos walang tulog matapos lang an...