Isa

24 3 0
                                    

Leyli

Tagaktak na ang pawis ko. Hindi lang dahil sa init ng Maynila pati na rin sa tagal kong tumatakbo. Malelate na kasi ako. Mahabaging Panginoon, major subject pa naman yun.

Tinignan ko ang gasgas kong relo. 10:04. Apat na minuto na kong late. Never pa kong nalate sa tanang buhay ko sa klase. Medyo good girl kasi ako.

Medyo.

Mineet ko pa kasi sina Angel at Harold. Inayos ko pa yung interview namin. Ang hirap kasi magtugma ng schedule namin tatlo. Sa huli naman naayos namin yung date, ang kapalit nga lang e yung pagiging late ko.

Alam ko medyo oa. Kaso first time kasi. Meaning doble kaba. Kasing sungit pa naman nun si Severus Snape ng Harry Potter. Palibhasa matandang dalaga kaya sinisisi sa estudyante ang dull nyang lovelife.

Nakakaloka.

Hingal na hingal akong kumatok sa pintuan namin. Kasabay ng pagpatak ng pawis ko e ang matalim na tingin sakin ng Prof ko.

"Dimapilis. What a surprise. You finally made it to class. Congratulations," bati sa akin ni Ms. Cathy, Humanities Prof ko. Team sarcastic din to e

"I'm so sorry po prof. I had to fix some matters concerning my thesis," diretso kong sabi. Hindi ako yumoko o anumang common gestures kapag ang good girl ay gumawa ng kasalanan. Nasa katwiran naman ako e. Walang dapat ikahiya.

Pero aaminin ko, kinakabahan na ko ng husto. Pero bago pa ko maihi sa kaba, pinaupo na ko ng prof ko at nagpatuloy sa lesson.

"Uy first time ha. Bat nalate si Leyli Dimapilis ang dakilang dean's lister?" bulong ni Chester habang humagikgik.

Pasimple ko naman syang kinurot ng abot sa 3rd layer ng balat nya.

Ayun natigil naman ang mokong. Nakinig na ko. Matapos ang klase ko lunch na. Matyaga ko namang hinintay si Gina, bestfriend ko. Sabay kasi kami maglunch. Syempre kasama nanaman nun si Aidan, dakilang boyfriend nya.

Third wheel na nga ata ako. Kaso wala namang choice si Gina. Pati ako wala ring choice. Konti lang naman friends ko dito e. Bale araw araw na lang ako nagtitiis sa mga harutan at landian nilang dalawa.

"Thank you Lord naalala rin ako ng kaibigan ko," salubong ko kay Gina na ngingiti-ngiti sakin.

Paano magkahawak kasi ang mga kamay ng dalawang to. Kinikilig nanaman ang tumbong ng bruha. Jusko haroooooot!

"E kung sinagot mo yung pangatlo mong manliligaw edi di ka na nahihirapan hintayin kami ni Aidan," sagot ni Gina.

Eto nanaman tayo.

"Mandiri ka nga Gina. Mas bata sakin yun. Ayoko nga una pa ko gagraduate dun ang awkward"

"Palusot na di naman lumusot. Ayaw mo lang talagal ng boyfriend"

Sa bagay totoo naman. Ewan ko ba kung saang planeta ako galing. Oo konti lang ang nagtry manligaw sakin at wala akong sinagot sa kanila. Kesyo masyadong good boy o masyadong maka-Diyos o kaya naman mas bata pa sakin at immature.

Pero at the end of the day sakin pa rin siguro ang mali. Wala naman akong issues sa love. Happily married ang magulang ko. Araw araw ko nawiwitness ang genuine love. Pero sa sobrang bukas nga siguro ng mata ko sa pag-ibig, nasilaw na siguro ako sa pagmamahal.

Kasi sa kababasa ko ng fiction romances novels, sa kapapanood ko ng romantic movies, sobra na kong naadmire sa love at hindi sa romance.

I'm afraid of not falling inlove because I already love the idea of love.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon