Labing-walo

5 1 0
                                    


Marc

Tatlong araw na rin ang nakakalipas simula nang surpresahin ako ni Leerah. Tatlong araw na rin pala, tatlong araw na rin pala akong hindi nakakatulog.

Pagkauwi ko ng bahay, sinubukan kong matulog, pero anak ng tinapa! Kinikilig kasi ako sa kiss ni Leerah! Pero syempre, hindi naman ako nagrereklamo hehehe.

Pero jusko, kung alam ko lang na last chance ko na 'yon para makakuha ng quality sleep, edi sana ginalingan ko pa.

Kasi naman, bigla kaming nirush sa thesis namin. Kaya habang haharap ako sa salamin, talaga nga namang una mong makikita ang maitim kong eyebags. Hindi naman ako tulad ng iba na sobrang conscious sa mukha pero sobrang agaw pansin naman kasi 'tol! Sa sobrang halata. Kinukulit na ko ni Leerah na lagyan ng concealer.

Pero kung nakita ko lang si Leyli, mahihiya talaga yung tindi ng eyebags ko.

Mukhang isang linggo na s'yang sleep deprived, sobrang magtrabaho yung babaeng 'yon! Nahuli ko pa 'yon one time na imbis na maglunch, dumiretso sa library para gumawa ng transcription ng interview namin. Hindi ko nga alam kung dapat na ba akong mahiya, kahit na hirap na hirap na kasi ako, alam kong doble pa sa effort ko yung ginagawa ni Leyli. Wala na nga 'yong social life e! Dineactivate n'ya yung facebook n'ya! Dinelete n'ya na rin yung twitter app n'ya.

Isang beses nga tinanong ko s'ya.

"Grabe ka naman Leyli! Para sa'n ka ba gumigising? Para sa thesis na lang?"

Sinagot ba naman ako ng: "Paano ako gigising kung hindi na ako natutulog?"

Magugulat na sana ako nang ngumiti s'ya at sinabing joke lang daw 'yon. Pero kahit gan'on pa man, alam kong kahit natutulog man s'ya siguro mga dalawa hanggang apat na oras na lang.

Sa mga panahong ganito, nag-aalala na ako kung magtatampo ba sa 'kin si Leerah dahil wala na talaga akong time para sa kanya. Nilamon na talaga ng thesis, pero nakakaproud lang na sobrang nag-iba si Leerah. Kung dati hindi na n'ya ako papansinin kapag wala na akong oras para sa kanya dahil sa kung anumang bagay, aba, ngayon s'ya na ang gumagawa ng paraan para kahit papaano magkita kami.

Sabi n'ya nga: "Wala namang mangyayari kung ngangawa lang ako dito kasi di na tayo nagkikita e. Edi ako na lang mag-aadjust para everybody happy."

Siguro ilang minuto ko rin s'yang tinitigan dahil hindi ko talaga akalaing kay Leerah galing 'yong mga salitang 'yon.

Ay, nakita ko na rin nga pala yung shield ni Captain America; noong birthday ko kasi may inabot yung bata kong pinsan. Hiyang-hiya pa nga s'ya e. Kaya nang warakin ko yung gift wrap, halos mapatalon na lang ako nang makita ko na ito na nga iyong matagal ko nang hinahanap na shield ni Captain America.

Lahat talaga ng mga bagay nasa tamang lugar ngayon. Kahit gaano ako hirap na hirap sa thesis, maayos pa rin naman tumatakbo ang buhay ko. Hindi ko nga alam kung regalo ba 'to sa 'kin ni Lord o sadyang sinuswerte lang ako?

Pero kung ano mang swerte 'yan, hindi na siguro inabot yung lagay ng puso ko.

Alam ko sobrang kapal naman ng mukha ko para problemahin ito, lalo na't may napakaganda at understanding akong girlfriend, pero dalawang araw ko nang dala-dala yung natitira kong feelings para kay Leyli.

Isang patunay na lang dito e yung hindi ko matingnan sa mata si Leyli.

"Bale Marc, kailangan nating i-adjust yung last interview natin kasi hindi natin maisusulat yung results and discussion. Hindi tayo aabot sa deadline kung susundin natin to. Wala kasi akong free time para puntahan yung..." napatigil sa paglalahad si Leyli at hinampas ako.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon