Labing-anim

6 2 0
                                    


Marc

Ihahatid ko pa sana si Leyli sa sementeryo nang tawagan ako ni Leerah.

"Maaaarc! Date na tayo. Happy Birthday!" sigaw n'ya sa kabilang linya. Ramdam na ramdam ko naman na good mood na good mood s'ya. Ayoko namang sirain yung mood n;ya kaya minabuti ko nang umuwi.

Pero kahit gaano ko subukang maging masaya para sa araw na ito, hindi ko mapigilang mangamba. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil pinakielaman nanaman ni mama yung kwarto ko. Matapos kong kumbinsihin ang aking sarili na okay lang ang lahat, agad akong sumakay ng jeep pauwi.

Tanggap ko namang ordinaryong araw lang ang birthday ko, pero medyo nakakatampo lang siguro kasi kahit yung mga gagong kaibigan ko, hindi man lang ako nabati. Isang text o kaya message lang naman yun e. Malaman ko lang na naalala nila na birthday rin naman pala ng bestfriend nila. Pero mga ulol nga siguro ang mga 'yon dahil hanggang ngayon, wala pa ring paramdam.

Hay nako, sa birthday nila, gagantihan ko talaga sila.

Bigla namang sumulpot ang imahe nila Mang Macoy at Aling Alona sa isip ko. Naalala ko yung mga ngiti nila sa isa't-isa. Hindi ko maiwasang mainggit, umaasa kasi ako na balang araw, magkakaroon rin ako ng kung anong meron sila. Na balang araw, magkakaroon ako ng sarili kong Aling Alona na mamahalin ako kahit 'di ko matupad ang mga pangako ko. Kahit na hindi ang buhay na ginusto n'ya ang naibigay ko. At higit sa lahat, papatawarin ako at tutulungan akong patawarin ang sarili ko sa mga pagkukulang ko.

Sana magkaroon rin ako ng pagmamahal na gaya ng sa kanila.

Kaso hindi ko makita kay Leerah na hahantong kami sa ganoong pag-ibig.

Siguro maaga pa para magsalita. Pero ayoko kasing mabuhay sa pag-asa na magiging ganoon kami. Gusto ko sanang matanggap na kung ano mang meron kami ngayon, baka ganon na lang din sa hinaharap.

At hindi ko maiwasang hindi makuntento.

Kung ako pa rin siguro yung Marc noon, nakipag-break na ako kay Leerah, Pero sa tuwing maaalala ko kasi kung bakit ko ba pinaghirapan makuha ang babaeng ito, napapakapit na lang ako.

Napapakapit na lang ako nang mahigpit na mahigpit.

Hindi ako bibitaw.

Kasi ganoon naman talaga dapat.

Kaya nang bumaba ako sa jeep at pumasok sa bahay, hindi ko maiwasang mapakapit pa ng mas mahigpit.

"HAPPY BIRTHDAY MARC!" sigaw ng mga tao sa bahay.

Nasa unahan si Leerah na may hawak na regalo, katabi n'ya naman ang mga magulang ko na matamis na matamis ang mga ngiti. Samantalang humahagikgik ang mga kaibigan ko sa isang sulok habang pasimpleng kumakain.

"Pre, feeling ko debut 'tong napuntahan ko e!" sigaw ni Jairen habang nagpasabog ng party pooper. Natawa naman kami. Abay ga nga naman.

"Ngayon alam mo na kung bakit hindi ka pa namin binabati ha!" segunda naman ni Limuel, kakalse ko mula elementary hanggang sa ilang subject ko sa collge. Nakakaumay na nga e.

"Anak, si Leerah ang nag-organize nitong lahat, mana ka talaga sa 'kin sa taste sa mga babae," pagpapaalam ni papa.

Nabaling naman ang atensyon ko kay Leerah na mas matingkad pa ang mga ngiti ngayon.

"E kasi, lagi mo sa 'kin sinasabing ordinary lang araw ng birthday mo e. Kaya ngayon, gusto ko sanang gawing special," nahihiya n'yang lahad.

Yinakap ko na lang s'ya para ipakita kung gaano ko naaappreciate yung mga ganitong bagay. Nagsimula na kaming asarin ng mga bisita kaya pinakawalan ko mula s'ya.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon