Dalawa

28 3 0
                                    

Marc

Natatanaw kong tumatakbo si Leyli. Hay. Kahit kailan talaga yung babaeng yun takot malate. Mahinahon naman akong naglakad papunta sa next class ko. Magkaklase kami for this subject pero ewan ko ba kung bakit sobrang praningning nya e may 7 minutes pa naman before class.

Naalala ko nanaman tuloy si Leerah. Nacancel kasi yung date namin para lang makasama ako sa first interview namin sa subjects namin. Pinipilit nga ni Leyli na sya na lang daw muna pero di naman ako papayag na sya lang trumabaho sa thesis namin since grade ko din naman to. Sakin kasi naman okay lang naimove yung date, kaso kay Leerah, hindi.

"I understand that your grades are far more important than me," text nya sakin after kong sabihin na mapopostpone muna yung date namin.

Naiintindihan ko rin naman sya kahit papaano. Ang tagal nya na kasi to pinlano tapos last minute kong sasabihin na hindi na ako pwede. Ayun tamporurut nanaman.

Ang sakit talaga ng mga babae sa ulo.

Wala pa kaming 1 yr ni Leerah, sana umabot pero sa inaasta nyang ganyan, hindi rin siguro.

Alam ko mukhang wala akong tiwala sa relasyon namin. Pero magpapakabulag pa ba ko kung halata nanaman yung mga susunod na mangyayari? Kahit na pangit na makita ko na agad ang end ng lovestory namin, mas maganda na siguro iyon kaysa umasa akong madami pang next chapter.

Sa ngayon susuyuin ko muna ang nag-iinarteng girlfriend ko. Hay.

Oo at some point alam ko namang minahal ko sya. Hindi lang dahil sobrang ganda nya, na kapag ngumingiti sya e lumalabas yung dimples nya at nagliliwag yung mukha nya. Pero dahil confidently beautiful sya with a heart. Oy tumawa sya oh bayad benti bilis!

Pero seryoso,  mabait naman talaga sya, yun nga lang, sa sobrang bait nya e hindi ko na alam kung galit ba sya oh ano. At iyon pa yung laging pinagmumulan ng away namin. Hay.

Medyo nakasimangot akong umupo sa silya ko. Bago ko pa maayos ang gamit ko, kinalbit na ako ni Leyli.

"Sure ka ba bukas? Sabi ko sayo ako muna e. Bumawi ka na lang sa next interviews natin," bulong nya sakin.

"Okay nga lang ano ka ba. Tska mas maganda pag dalawa ang interviewer, para mas madaming tanong!"

"Hay nako alam kong galit si Leerah ngayon. Sige na ako na!"

Pero bago pa ako makasagot, naunahan na ko ng prof namin.

"Well let's see, nagbubulungan pala sina Ms. Dimapilis and Mr. Rocillo. Pwede bang magfocus muna tayo sa lesson?" Tanong nya habang nakatitig samin.

Namutla naman si Leyli. Ang lakas na ng tawa ko sa isip ko. Ang hirap iconceal kaya yumuko na lang ako. Pasimple ko namang tiningnan si Leyli at mas lalo akong natawa sa isip ko. Namumutla na kasi sya! Hahahahahahahahaha. Ang liit na bagay oh! Iba talaga pag certified goody girl, di katulad ko certified gago guy. Haha oh tumawa nanaman! Kwarenta na utang nyo sakin ha.

Bago ko pa madala yung focus ko sa ibang lugar, slight muna akong nakinig sa prof. Very very slight.

Pagkatapos ng madugong bakbakan sa matematika, mabilis na din kong umexit at hahabulin ko pa si Leerah para magsorry. Oh diba sweet ko?

Kaso bago pa ulit ako makalabas ng pinto, hinarang naman ako ni Leyli ngayon.

"Seryoso Marc ako na lang muna ang mang-iinterview. Hindi kita kinonsult nung gumawa ako ng sched para dun kaya ako kelangan mag-adjust. Bawi ka na lang next time." Nginitian nya kaso yung ngiting sige na please pagod na pagod na 'ko.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon