Labing-apat

23 1 0
                                    



Marc

Buong araw akong masaya.

Aba, ako lang naman ang unang finallow sa twitter ni Leyli.

Ako lang naman ang dahilan sa likod ng paggawa ng account ni Leyli.

Okay medyo assuming ako doon, pero ikeclaim ko na lang rin hihihi.

Siguro kada maaalala ko 'yon, napapangiti na lang ako. Medyo mukha na nga talaga akong baliw sa mga pinaggagagawa ko. Pero uulitin ko, wala naman talaga akong pakielam at hindi n'yo rin naman talaga ako dapat pakielaman pero medyo bida nga pala ako dito kaya nevermind.

Basta masaya ako.

Sapat lang na kasiyahan para batiin si Leerah ng yakap at tunay na ngiti.

Kaso hindi ko naman alam na mawiwitness lahat ito ni Leyli.

Dapat wala lang sa akin 'yun e. Ano naman kung nakita n'ya na yakap yakap ko si Leerah habang ngiting ngiti ako? Girlfriend ko naman si Leerah.

Kaya hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko nagchecheat ako kay Leerah at lalong-lalo na, kay Leyli.

Naiinis ako sa sarili ko dahil unti-unti ko nang tinitimbang ang nararamdaman ko para kay Leyli at para kay Leerah. Hindi ko naman 'to dapat ginagawa e. Nangako ako kay Leerah na s'ya lang talaga. Pero wala naman akong ginagawang masama 'di ba? Lahat naman ito nasa isip ko lang. Pero bakit feeling ko ang sama sama ko ng tao?

Ilang segundo ko pang niyakap si Leerah at pinakawalan ko na s'ya. Saglit kong tiningnan ang mata ni Leerah at pilit inalala kung bakit ko ba minahal ang babaeng hawak hawak ko ang kamay. Nasa likod pa rin ng utak ko ang alaala noong una tayong magkita.

Pinanghawakan ko iyon.

Panghahawakan ko 'to.

Kaya bibitawan ko na agad ang nararamdaman ko kay Leyli habang maaga pa, habang mababaw pa lang, habang kaya ko pa.

Minahal ko si Leerah at dapat lang mahalin ko pa s'ya. Ayokong isipin na ganito lang kahina ang pagmamahal ko para sa kanya.

Hindi ako papayag.

Kaya mas hinigpitan ko na lang ang kapit sa kamay ni Leerah at hinatid s'ya pauwi.

"Uy, okay ka lang?" hinawakan ang pisngi ko habang nasa taxi kami. Medyo pre-occupied pa rin kasi ako. Hindi ko namalayang may sinasabi na pala s'ya. Napangiti na lang ulit ako. Madami akong natuklasan na ayaw ko sa kanya. Controlling s'ya minsan, sobrang perfectionist, at self-centered rin paminsan-minsan. Pero hindi s'ya hipokrita, lagi n'ya rin gustong pasayahin ang mga tao sa paligid n'ya, mabait s'yang anak at kapatid, at higit sa lahat, sagad s'ya magmahal kaya sino naman ako para talikuran lahat 'yon.

Mabilis akong nagnakaw ng halik sa pisngi n'ya na ikinagulat n'ya.

"Ayan, okay na!"

Kinurot n'ya naman ako sa tagiliran at pinisil ang pisngi ko.

Masaya naman ako dito e.

Sapat na kasiyahan para 'wag ako bumitaw.

Matapos kong maihatid si Leerah, umuwi na agad ako at humiga sa kama habang tuluyang tumulala sa kisame. Buong-buo na ang desisyon ko, bukas mas magiging civil na ako kay Leyli.

Bukas, medyo lalayo na rin siguro ako sa kanya. Bukas ang focus ko lang ay ang thesis at si Leerah.

Bukas, birthday ko na. Hindi ko na nasabi kay Leyli, baka kasi iurong n'ya nanaman yung interview e behind schedule na kami. Magkakaron din kami ni Leerah ng date pagkatapos ng interview.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon