Anim

13 3 0
                                    


Marc

Maaga akong gumising para makaabot sa call time ni Leyli. Kahit na dalawang oras ang mawawala sa tulog ko, hinayaan ko na lang. Para rin naman sa grade ko 'to e. Ang hindi ko lang naman hahayaan e ang mapahiya ako sa maraming tao dahil sa prinsipyo n'ya.

Wala naman kaso sa 'kin kung ayaw n'yang bayaran ko ang kakainin n'ya. Okay lang naman sana ang lahat e, kaso sana man lang sinabi n'ya sa 'kin iyon ng mahinahon. Hindi yung titignan n'ya ako nang masama tapos lalakasan n'ya pa ang boses n'ya. Public place 'yon e. Breakfast time pa kaya mas maraming tao.

Wala naman sigurong mawawala kung humindi lang s'ya at sabihin sa 'king "hindi, ako na lang. Thank you!" Hindi yung ipapamukha n'ya sa 'kin at sa mga taong nakapaligid sa 'kin na isa akong masamang tao dahil lang gusto kong bayaran ang pagkain n'ya at nagkataon lang na lalaki ako.

Ang daming nagbubulungan bigla sa likod ko. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako napahiya ng wala naman akong ginagawang masama.

Kaya naman nanahimik na lang ako.

Hindi dahil nagtatampo ako kundi dahil baka kung ano na lang ang lumabas sa bibig ko. Nirerespeto ko si Leyli hindi lang bilang tao kundi bilang babae rin.

At hindi ko gagawin sa kanya ang ginawa n'ya sa 'kin.

"Saan daw yung bahay nila?" tanong n'ya.

Pinagpatuloy ko ang pagkain ko nang hindi lumilingon.

"Huy!" naiirita n'yang dagdag.

Pero isang salita lang naman kasi ang hinahanap ko e.

"Oy! Marc! Anong problema mo?"

Sana lang kasi nagsorry man lang s'ya. Isang salita lang naman yun para sa 'kin na nasaktan s'ya. Gaano ba kahirap gawin 'yon?

Kaso hindi e. S'ya pa ang nagalit.

"Marc yu hoo! Ano ba?!"

"Ikaw, anong problema mo?" sagot ko habang pinipigil ang inis ko.

Lumalakas na ang boses n'ya at nagsisimula nanaman kaming pagtinginan ng mga tao kaya naman umalis na lang ako.

Nagkasigawan. Hindi nagkaintindihan. Hindi nagbigayan. Pinauna ang galit. Makikitid na utak.

Hindi ko sinasadya na bigla na lang s'yang hawakan at bantaan. Ayaw n'ya making. Gusto ko lang naman mapakinggan.

Kaya naman nagulat ako nang biglang mapalitan ang galit sa mata n'ya ng pagod. Doon ko lang napagtanto na sumobra na din ako.

"...Ngayon kung pwede lang puntahan na natin sila Mang Macoy kung pwede lang naman at matapos na itong araw ko," malamya n'yang sagot.

Tinalikuran ko na lang s'ya para mawala kahit papaano yung inis at guilt na nararamdaman ko. Kanina pa nagtext si Mang Macoy sa akin na biglang nagbago ang desisyon nila at ngayon na sila uuwi ng probinsya. 'Di ko na nasabi sa kanya kanina dahil nanamik na nga ako.

Buntong hininga. Handa na sana akong makipag ayos, pero pagharap ko, wala na s'ya.

Hindi na n'ya siguro nakayanan ang inis n'ya. Hay.

Uuwi na rin sana ako nang biglang kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan. Tinawagan ko ang parents pati na si Leerah at chineck kung maayos naman ang kalagayan nila. Huling beses kasi na kinabahan ako ng wala namang dahilan e yung panahon na naaksidente yung lolo ko. Minor injuries lang naman pero may nangyaring masama pa rin.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon