Labing-dalawa

11 1 0
                                    

Marc

Hindi na ako kinikilig.

Hindi na tumatalon ang dibdib ko sa tuwing makikita ko s'ya. Hindi na ako nabubulol sa tuwing nginingitian n'ya 'ko. Hindi na ako nababaliw sa tuwing magtatagpo ang mga palad namin. Hindi na rin awtomatikong nalalagyan ng ngiti ang mga labi ko sa tuwing yayakapin n'ya ako.

At hindi ko rin alam kung paano sasabihin kay Leerah ito.

Sabay kaming maglulunch ngayon since nagtagpo naman ang schedules namin. Una ko s'yang nakita. Wala pa rin namang nagbago sa kanya. Maganda pa rin talaga s'ya. Walang kupas pa yung kabaitan n'ya, hindi yung pangplastic na bait, puro e, yung tipong ipagmamalaki ka talaga ng mga magulang mo. Agad namang nabaling ang tingin n'ya sa direksyon ko at agad naman s'yang napangiti.

Paano ko ba sasabihin sa anghel na 'to na unting-unti nang nawawala ang feelings ko sa kanya?

Pabiro n'ya naman akong sinuntok sa tiyan nang makarating s'ya sa pwesto namin.

"Aray ko po! Wag n'yo po akong saktan, handa naman akong ibigay ang katawan ko. Wag n'yo lang idaan sa dahas!" biro ko pabalik. Agad naman n'yang piningot ang tenga ko.

"Aanhin ko katawan mo? E wala ka namang abs!" tinaas n'ya ang isang kilay n'ya hudyat na good mood s'ya ngayon.

"Aray ko 'te! Wag mo kong personalin! May abs naman ako, abs-olutely nothing hehehe," mas lalong diniinan n'ya ang hawak sa naghihingalo at pulang pula ko ng tenga. Matapos ko halos lumuhod sa canteen, binitawan n'ya rin sa wakas ang mahigpit n'yang pagkakahawak sa tenga ko. Lagi na lang ako pinanggigigilan nito. Ganoon ba ako kacute?

Ang hirap talaga maging gwapo.

Ay cute lang pala, pero papunta na rin naman 'yon sa gwapo!

"Oy namiss kita," matamis n'yang pahayag nang magsimula na kaming kumain.

Siguro kung ako pa rin yung Marc noong nakaraang halos dalawang buwan, paniguradong hindi na ako makakagalaw sa pwesto ko sa sobrang kilig. Siguro kung ako pa rin yung Marc noon, mamumula na agad ako ng todo.

Pero wala e.

Magsasalita na sana ako habang may laman pa ang bibig ko pero tiningnan na agad ako ni Leerah ng masama.

"Lunukin mo muna 'yan. Palagi ka na lang ganyan," at parang ganoon lang, nawala na agad yung mood n'ya.

Matapos ko namang malunok ang pagkain sa bibig ko, ngumiti na lang ako na para bang inaamin ang malaki kong kasalanan.

"Sorry na. Miss mo naman ako e," palusot ko.

"Pero hindi ko namiss ugaling kalye mo pagkumakain," madiin n'yang sagot.

Natapos kaming kumain at hinatid ko naman si Leerah sa susunod n'yang klase. May free time pa akong twenty minutes bago ang susunod kong klase. Mahilig magpasurprise quiz yung prof ko para sa susunod kong subject kaya napagdesisyonan kong magbasa-basa. Kahit papaano naman gusto ko pa rin iwasan na maging ireg.

Nasa gitna na ako ng pagrereview nang naramdaman kong may nakatayo sa harapan ko.

Dahan-dahan naman akong tumunghay (para medyo madrama) at laking gulat (as in gulat na gulat talaga) ko nang makita kong si Leyli ang nasa harapan ko na nakacross-arms at nakasimangot.

Akala n'ya cute sa dyan ha!

Hindi kaya!

Oo na nga. Sige na, konti lang!

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon