Leyli
Nakatulala ako sa kawalan habang nakikipagdebate sa sarili kong utak. Kakatapos ko lang makita ang ibang grades ko. Natuwa naman ang mga magulang ko dahil dos lang ang pinakamababa kong grado galling pa yun sa Humanities. Walang consideration kasi 'yung professor kung 'yon. Sina Gina at Aidan naman syempre matataas din syempre ang mga grades, inspired e.
Hindi ako mapakali e. Maayos naman lahat sa buhay ko. Okay naman kapatid ko, pati parents ko. Magaganda rin naman naging resulta ng pagpupuyat ko tuwing exams. Feeling ko kasi may dapat akong gawin. Parang may kulang sa routine ng buhay ako. Ewan ko ba. Pagsinasabi ko naman 'to kay Gina, tatawanan n'ya lang ako tapos sasabihan ako "Magboyfriend ka na kasi!" Mas lalo na lang akong naiinis.
Bakit ba kapag ang babae nakakaramdam na hindi s'ya kumpleto, iisipin nila na lalaki ang makakasagot sa problemang ganito? Bakit ba ang concept sa halos lahat ng tao sa kaligayahan ng isang babae ay nakadepende sa lalaki?
Nakakainsulto isipin na kapag ang isang babae ay naging matandang dalaga ilalabel out na s'ya ng society na masungit. Masungit dahil walang love life? Masungit dahil sa walang asawa? Masungit dahil kaya n'yang hindi idepende ang buong buhay n'ya sa isang lalaki?
Nakonsensya tuloy ako dahil minsan ko na ring nahusgahan si Ms. Cathy, teacher ko sa Humanities na masungit dahil nga sa matandang dalaga s'ya. Pero sa totoo lang, biktima lang naman tayo ng lumang sistema. Come to think of it, hindi naman siguro natin kasalanan na nakagisnan natin itong era kung saan ang basis natin ng isang masayang buhay ay magkaroon ng pamilya at mga anak kung papalarin man. Nasanay lang siguro tayong gayahin ang matatanda kapag niloloko ang mga kamag-anak nating matatandang dalaga kapag nagsusungit. Kumbaga ito na yung mundo bago pa tayo.
Ang kasalanan lang natin ay ang pagpapatuloy ng sistemang ito.
Siguro habang marami pang ganito ang pag-iisip, hindi rin matatapos ang pagbibigay ng labels sa lipunan. Habang mas nakararami pa ang okay lang sa ganitong pagtrato sa ibang tao hindi pa rin ito matitigil.
Sa bagay, sa tagal nga naman ng isang tao na independent at single, mahihirapan nga naman ang kahit sino na iparamdam sa kanila na mas maganda magkaroon ng partner. I mean, if they've been alone for quite some time, how can you show them they need you in their life?
Kaya nga nainis rin ako kay Gina tungkol sa pagdedepend sa buhay n'ya kay Aidan. Kahit gaano kareliable o kabait kasi ang isang tao, para sakin, dapat pa ring ikaw ang may hamak ng manibela ng buhay mo. Hindi pwedeng bitawan mo yun kapag wala na s'ya sa tabi mo.
Kasi ikaw din naman ang mababangga.
Dalawang araw na rin simula nang matapos naming ang unang interview naming kasama sina Angel at Harrold. Dalawang araw na rin naming kinukumbinsi para mainterview ang Prospect #2 namin. Pinuntahan naming sila sa pwesto nila.
"May bayad ba yan?" Tanong agad samin ni Mang Macoy
Nacaught off guard naman ako kaya si Marc na ang sumagot.
"Pasensya na po pero studyante pa lang po kasi kami, Pero bibili naman po kami ng paninda n'yo. Sandali lang naman po 'to. Ayaw rin naman po naming maging istorbo sa inyo," sagot ni Marc nang mahinahon.
"Naku, busy naman kami lagi. Ibig sabihin ba nito sa araw na magpapahinga na lang kami, aagawin n'yo pa para sa interview na yan?" reklamo naman ni Aling Alona.
"Sasagot lang naman po kayo sa mga tanong namin tska po kami po ang pupunta sa inyo, kung okay lang po sa inyo. Gaya nga po ng sinabi ni Marc, saglit lang po iyon. Pinakamatagal na po ang dalawang oras," pagkukumbinsi ko sa mag-asawa.
BINABASA MO ANG
The Theory Of Love And Romance
Teen Fiction[1]Sinuyod namin ang bawat sulok ng UP Manila upang makahanap ng sagot sa isa sa mga tanong na kinakabaliwan ng bawat Juan na nakasagot na sa slam book- ang walang katapusang "what is love?" Ilang linggo rin kaming halos walang tulog matapos lang an...