Labing-lima

16 1 1
                                    


Leyli

Gumising ako sa ala-alang birthday nga pala ni Marc. Pinagdebatihan ko talaga kung babatiin ko ba s'ya o hindi. Pero siguro hindi na lang. Matapos kasi nang nakita ko sa sakayan ng jeep, napag-isip ko kung gaano na ba ako kalapit kay Marc. Pinagkompara ko rin ang pakikitungo ko sa kanya simula nang maging kaklase ko s'ya at simula nang maging thesis partner ko s'ya.

Nakakamangha nga talaga kung paano ako kabilis naattach kay Marc.

SIge na nga aamin na ako.

Hindi naman kasi ako malapit sa mga lalaki. Si Gina lang naman ang kasama ko halos buong buhay ko, nadagdagan ng Aidan pero hindi naman ako nailang sa kanya kailanman. Tapos si Michael, isa't kalahating lalaki at shunga naman 'yon e kaya at ease rin ako sa kanya.

Kaya itong nararamdaman ko, ibang-iba para sa 'kin.

Hindi ko pa kasi nararanasan yung tipong nasa isip mo ang isang tao sa halos buong araw. Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano nagagawa ng isang taong pagaanin ang loob ko at inisin ako at the same time. Hindi ko pa alam kung anong dapat maramdaman kapag may kayakap s'yang iba o may kakilitiang ibang babae at hinding hindi ko maiintindihan ang sarili ko dahil gustong gusto kong kalbuhin ang kung sino mang magpapacute sa kanya.

Ilang beses kong kinukumbinsi ang sarili ko na baka isang kuya o matalik na kaibigan ang nakikita ko sa kanya.

Pero nakakagulat na lang na kahit sa sarili ko, hindi ko pa rin magawang magpakatoto.

Dumating na rin sa punto kung saan narealize ko na rin na nagkakagusto na ako kay Marc.

Hindi ko siguro namalayan na hindi ko na s'ya iniirapan 'di tulad ng dati. Hindi ko na rin siguro napansin na mas lumakas na ang tawa ko sa tuwing nagpapatawa s'ya sa harapan ko. Hindi ko na rin siguro nakikita kung gaano ko na hinahayaan ang sarili kong maglook forward sa tuwing magkikita kami miski na para sa thesis namin.

Pero gaya nga ng sabi ko dati, I am not the girl who ruins relationships.

Kaya sana lang hindi pa ito gaano kaseryoso. Sana lang maaga pa para maisaayos na agad ang mga bagay-bagay. Sana lang hindi n'ya nahalata na muntik na akong mahulog.

Nasa dulo na ako, Marc.

Pero mabuti na lang nakakapit ako.

Mabuti na lang, hindi ako nahulog.

Kaya happy birthday Marc pero ang magiging regalo ko na lang siguro sa'yo ay ang paglayo ko. Alam ko namang kuntento ka na sa tabi Leerah. Kitang kita ko kung gaano katamis ang ngiti n'yo sa isa't-isa. Kaya gagawin ko ang lahat para hindi ako maging cause ng gulo sa inyo.

Hindi ko talaga namalayan e, sorry.

At nagagalit ako sa sarili ko dahil 

Medyo tanga ako this time. Pero wag kang mag-alala babawi na ako this time.

Promise, makakauno tayo sa thesis.

Kaya mabilis din akong nag-ayos para makipagkita kay Marc. Ilang minute rin akong naghintay at hindi ko maiwasang mainip. Nature ko na siguro 'yon, at ganoon din naman siguro lahat ng mga taong on-time palagi.

"Tara na?" pag-aaya mo.

Saglit din akong napatigil at napatingin sa'yo. Hindi ko akalain dadating ako sa ganitong punto kaya naman agad akong gumising sa panandalian kong daydream.

"Teka lang, naglista na kasi ako ng mga tanong dito. Tingnan mo muna kung okay ka na. Dagdagan mo na lang rin," sagot ko habang pinakita ko sa'yo ang listahan ko. Sobrang focused ko na ngayon. Bumalik na ang lahat sa akin pati ang organized kong handwriting. Lately kasi kapag nagdidiscuss tayo puro scribbles ang nagagawa ko e.

The Theory Of Love And RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon