Ikaw

154 1 0
                                    

Ikaw, ang pinatutungkulan ko nito.

Oo, ikaw, na aming butihing pinuno,

na maraming ginawang pagbabago.

Ito iisa-isahin ko nang malaman mo.


Maling empleyedo ay inaaangat mo,

palibhasa may binibigay sila sa'yo.

Ano'ng tawag doon: suhol o regalo?

Ewan! Basta ang alam ko, mali ito.


Ang mahuhusay mong empleyado

ay minamaliit lang at ibinababa mo.

Tinatanggalan pa ng laya at pagkatao

upang ang manok mo ang manalo.


Ang mga mali ay kinukunsinti mo.

Tinatanggap ang sulsol ng mga bobo.

Nakikinig sa mga dikta ng abusado.

Ayaw sa tama, gusto ng palsipikado.


Ang mga kakulangan sa ating grupo

ay iniismiran lamang at tinalikuran mo,

dahil para sa'yo, ito'y bawas sa pondo

na iyo pang maisusuksok sa bulsa mo.


Ikaw ay masipag manggantso ng tao.

Marami kang salaping naisasako.

Nuknukan ka ng sipag sa serbisyo.

Abala ka sa iyong mga raket at negosyo.


Ikaw ay may bait sa sarili, hindi ba po?

Kaya nga, kami ay humahanga sa iyo.

Sukdulan ang tapang ng apog mo.

Karapat-dapat ka ngang, sa krus, ipako.


Lagi kang pabor sa mga mali at liko.

Kakampi ka ng mga huwad at gago.

Ang lakas-lakas nila sa iyo, uto-uto!

Wala kang pinag-iba sa mga trapo.


Oo, ikaw na aming tinitingalang pinuno

ay pararangalan sa paggunaw ng mundo

at magsasama-sama kayo sa impiyerno

ng mga kapwa mong ugaling demonyo.


Alam mo na ngayon ang mga ginawa mo.

Ang akin lamang, sana ikaw ay magbago

nang ang iba ay hindi ka gawing idolo

at sambahi't tingalain na parang rebulto.


Ang hiling ko sa'yo ay isang pagbabago--

pagbabago sa iyong sarili at sa grupo.

Ikaw ay edukado't hindi hayop, kundi tao.

Aasahan kong pumintig uli ang iyong puso.


(Enero 9, 2016)






Mga Tula ni Makata O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon