Mabuhay ang Santo Papa

276 2 0
                                    

Hindi ako Katoliko, pero tumutok ako

Mula sa paglapag ng sinakyang eraplano

At pagsilip niya sa bintana ay nakita ko.

Sa motorcade, di man ako nakadalo

Panunuod sa telebisyon, solb na ako

Ngiti ni Pope Francis, kitang-kita ko.

Nang dalawang paslit, kanyang hinagkan

Luha ko’y tumulo, saya’y naramdaman

Banal na tao, kanila’y nahawakan.

Nang ang mga pulitiko ang bumati

Humalik pa sa kamay, panay ang ngiti

Para silang si Hudas, ang aking masasabi.

Coverage ng convoy, aking tinapos

Puso ko’y nasisiyahan ng lubos

Pagdating niya’y, papuri sa ating Diyos.

Hindi ako deboto, hindi panatiko

Ngunit, nasiyahan at humanga ako

Sa pagbisita ng mapagmalasakit na tao.

Mga Pilipino kasi napalapit kay Kristo

Biyaya ngang maituturing ito

Lalo ngayong Pilipinas ay binabayo.

Mabuhay ang Santo Papa!

Na simbolo ng awa at pagpapakumbaba

Pagpalain sana siya ng ating Ama.

Mga Tula ni Makata O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon