Mga Luma at Bagong Salawikaing Napapanahon

685 3 1
                                    

Luma: Kapag di ukol, di bubukol.
Bago: Kapag di ka pasado, pekein mo.

Luma: Ang isda, nahuhuli sa bunganga.
Bago: Ang mandaraya, nahuhuli sa gawa.

Luma: Ang katotohana'y kahit na ibaon, lilitaw pagdating ng takdang panahon.
Bago: Ang katotohana'y kahit na pagtakpan, mabubunyag sa di-inaasahang panahon.

Luma:Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa.
Bago: Anuman ang iyong ginawa, Diyos na sa'yo ang bahala.

Luma: Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
Bago: Kung sino pa ang masalita ay siyang may maling gawa.

Luma: Daig ng maagap ang taong masipag.
Bago: Daig ng mapagpanggap ang taong masipag.

Luma: Ano man ang gagawin, makapitong iisipin.
Bago: Ano man ang gagawing kabulastugan, pag-isipan naman.

Mga Tula ni Makata O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon