Ano ba iyan?! Ang gulo nitong ating bayan..
Pulitika'y kay baho, mga pulitiko'y...ewan!
Kawawa ang mahihirap na taumbayan
Samantalang nasa puwesto, nagtatabaan.
Kahirapan, hindi na nga masolusyunan
Dinagdagdagan pa nitong mga gahaman.
Kaya tuloy, mga kawatan ay nagsusulputan
May sa kalsada, sa palengke, saka paaralan.
Ugaling baboy, mukhang pera ang mga iyan
Hmm! Malamang kampon sila ng kadiliman.
Hay! Kahit saan talaga, panalo ang kasamaan
Sa panloloko ng kapwa't bayan siyang No. 1.
Sa pagpalaganap ng kabutihan, wala naman
Pagkapantay-pantay, iniiwasan at kinakatakutan.
Kay Satanas kayo'y welcome, siya'y naliligayahan
Sa mga mata namin, kayo ay kakarampot lang.
Pakalunod kayo sa inyong mga kapangyarihan
Buong bayan sakupin, nakawin ang buong yaman.
Sige lang, lokohin niyo lang mga nasasakupan
Darating ang araw, karma ninyo ay makakamtan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Makata O.
PoetrySi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark