Teka, ano itong alegasyon?
Tungkol uli sa promosyon?
Wala na ba itong solusyon
Ang tindi nitong ingay-polusyon
Lagi na lang may komosyon
Lagi na lang may kompetisyon
Lahat nais maging kampeon
Lahat may balak, may intensyon
Tanong: Meron bang dedikasyon?
Wala! Puro lang pag-iilusyon
Sige, gawin ang nais na aksyon
Pag-igihan lang ang seleksyon
Baka bulungan at konklusyon
Mabuo sa aming imahinasyon
Na ang ganitong sitwasyon
Ay dulot ng maling desisyon
At magbubunga ng depresyon.
Bago sya bigyan ng posisyon
Pakaisipin ng sampung milyon
Baka siya'y isang aparisyon
Balatkayo, Hudas, parang ganon
Kunwari may determinasyon
Iyon pala, ayaw sa obligasyon
Kaya, humingi ng opinyon
Huwag solohin ang desisyon
Gawin ito na parang eleksiyon
At may pormal na proklamasyon.
Bago ako abutin ng altapresyon
Ititigil ko na itong deklamasyon
Ako lang naman nagkukuwestiyon
Kung galit ka, problema mo na iyon
Nais ko lang naman ay proporsiyon
Balanse at makataong promosyon
Hindi ang palakasan o dominasyon
Ang batayan nitong pagpoposisyon
Daanin sa wastong asimilasyon
Huwag sa panghuhula o prediksyon.
Kayo namang hangad ay promosyon
Hambog, taas ng iyong ambisyon
Saan ka kumuha ng inspirasyon?
Isa ka lang namang pandekorasyon
Sa boss mong walang direksyon
Ang isip, liku-liko ang lokasyon
Di alam ang kanyang limitasyon
Ayan tuloy ako'y kinukombulsyon!
Ito ay hindi sa inyo'y akusasyon
Tanong: Magkano ang donasyon?
Pwedeng makahingi ng komisyon?
Hala ka, iyan ay isang korupsyon.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Makata O.
PoesieSi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark