Inyong pakaingatan, puri't katawan
Sarili, minsan ang may kagagawan
Kadalasan, kapusukan ang dahilan
Ang teknolohiya, masisisi mo ba 'yan?
Nungkang maibalik pa ang nakaraan
Dungis sa kaharutan, pilat ng kinabukasan
Ang kahihiyan, sa pamilya at bayan
Larawan o bidyo ang katibayan.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Makata O.
PoesíaSi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark