Ang Pinuno
Ang pinuno ay modelo ng kabutihan
Siya ay matapat, mapagkakatiwalaan
Malinis ang hangarin, kanino man
Hindi mandaraya, walang kasabwatan
Upang siya'y igalang ng karamihan.
Ang mabuting pinuno-- di nanlalamang
Sa kapwa'y may respeto at pitagan
Lahat pinakikinggan, walang kinikilingan
Suhol, pabuya at karenyo ay inaayawan
Tinatanggal ang bias at mga sipsipan.
Ang mahusay na pinuno'y kagalang-galang
Damdami't pagsisikap ng iba, pinahahalagahan
Suporta niya'y hindi sa isa lang, kundi lahatan
Di namimili ng kakausapin at pakikisamahan
Di nag-aalaga ng mababangis na kahayupan.
Ang pinuno ay dapat may angking kahusayan
Sa pagdedesisyon ay hindi nabubulungan
May sariling utak, pakiramdam at kaisipan
Hindi nadidiktahan, lalong hindi nasusuhulan
Hindi nanlilinlang, mas lalong hindi manlilinlang.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Makata O.
PoetrySi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark