ASSaKaBa?

189 2 0
                                    

ANOng nangyayari sa ating paligid?
Ekonomiya ng bansa, tumatagilid
Bumabaha ng kahirapan at sakit
Bagyong Krisis, laging humahagupit.

SINO ang biktima't sino ang salarin
Sa pagbaha ng matitinding suliranin;
Sa mahabang trapiko sa katarungan;
Sa tila basurahang katarungan?

SAAN na patungo ang Pilipinas
Kung inaagawan na tayo mg hiyas;
Kung pati kapwa Pilipino ay kawatan
Sariling pondo at yaman, ninanakawan?

KAILAN kikinang ang Perlas ng Silangan;
Mga kanal at estero, mapakinabangan;
Mahihirap at mayayaman, magpantay;
At malipol ang mga bantay-salakay?

BAKIT patuloy na naghihirap ang bansa?
Gayong mayamang itong ating isla,
Mga yamang-lupa, yamang-tubig
Malalawak, tunay na kaibig-ibig.

Aasa ka ba?

Mga Tula ni Makata O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon