Dahil hindi ka marunong mahiya,
Namnamin mo, aking pangungutya..
Isa kang linta-- maninipsip ng dugo
Isa kang tuko-- makakapit ay todo.
Ang galing mo sa palakasan
Walang panama sa'yo si Pacman.
Para kang langis, matindi ang sebo
Naninikit sa mga kutsara at plato.
Naaatim mo ang ganyang trabaho
Ang manlamang sa iyong kapwa-tao?
Ang tibay ng sikmura mo, damuho!
Ang sarap mong tuhugin ng tubo.
Sige, ipagpatuloy mo ang mga iyan
Magsama kayo ng amo mong gahaman.
Pasasaan ba't kabalulastugan niyo'y
Masusukol, at kayo'y aming itataboy.
Gawin naman, tunay mong trabaho
Wag magsipag-sipagan, pakitang-tao.
Kami' y wag ululin at huwag dadayain
Mag-ingat ka, di ka namin sasantuhin.
Hoy! Itigil mo iyang kahibangan mo
Lintang ulikba, nanggigigil kami sa'yo!
Sorry, ako'y tao lang din, may damdamin
Inapakan mo kasi ang mga puso namin.
Kaya, magdusa ka sa aming alipusta
Dapat lang yan sa'yo, na walang hiya.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Makata O.
PoetrySi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark