Ito'y isang puna ko lamang, wag sanang loob ay sumama
Kung ika'y nasapul, patawad, pagkat ito'y sayo'y tumama
Di ko hangad na ika'y saktan, bagkus, mga bagay ay itama
Upang samahan nati'y maluwat, sa tagumpay, magkakasama.Hoy, aking kaguro! Wala kang pitagan kung managot
Sino ka ba sa akala mo? Hindi ka naman siguro engot
Upang di mo malamang mali ka, ika'w binabangungot.
Gumising ka nga! Ayusin mo ang ginawa mong gusot!Ang tingin ng marami sa'yo, isang kang maingay na bangaw
Ang taas ng lipad, palalo, nakaapak lang naman sa kalabaw
Lumagay ka sa tama mong kalagyan, huwag kang mananapaw
Huwag kang sumandal sa iba, baka kayo'y sabay na magunaw!Tandaan mong kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo
Pagdating ng takdang panahon, ay siya ring daranasin mo
Mga pangarap mo'y tuparin ng walang sinasagaang kaguro
Tagumpay ay mainam kung nakamit ito sa tamang proseso.Kaya, lintang guro, tama na ang paninipsip ng dugo
Humayo ka't gamitin ang kakayahan at talino mong totoo
Itigil mo iyang pandaraya at pangangapit na parang tuko
Kung ika'y tunay na mahusay, sa amin ay patunayan mo ito!Tama na sa ganyang gawaing wala ka namang mapapala
Umangat ka nga sa lupa, nabasag at lumagapak naman ang iba
Katulad ka ng pesteng anay, maliit ngunit sadyang mapamuksa
Maninira ng pundasyon, palibhasa walang alam, walang hiya!Hindi kita hinihiya, hindi ako nanghuhusga ng aking kapwa
Payo ko lamang na itigil mo na, panlalamang sa iyong kasama
Guro ka, guro din sila, kaya, kayo'y magkaisa, ika'y makiisa
Pagiging hambog, may hangganan iyan, may katapusan pa.Puna lamang ito, kaibigan, kung nasagi ko ang puso mo
Mabuti nga iyon upang ikaw ay tuluyang magbago
Ngunit kung hindi mo plano, Pwes! Ako na ang kalaban mo
Payo lang din katotong guro, pananalita mo ay dapat wasto.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ni Makata O.
PoesíaSi Makata O. ay isang taong maprinsipyo, kaaway ng mga liko at kakampi ng mga may puso.https://m2.facebook.com/profile.php?id=778085892247270&ref=bookmark